Yassi Larawan mula sa IG/@yassipressman

Yassi Pressman ‘di pa keri ‘magpaka-daring’

September 15, 2023 People's Tonight 234 views

PRANGKAHANG inamin ng aktres na si Yassi Pressman na hindi pa raw talaga siya handa para sa mga “daring” roles.

Sa isang media conference, tinanong ang “Kurdapya” star kasama ang aktor na si Ruru Madrid tungkol sa mga screen roles.

Isa nga sa mga tanong ay kung may mag-o-offer raw sa kanila ng “very daring project” ano raw ang maaaring mag-udyok sa kanila upang tanggapin iyon.

Nagbigay ng mahabang eksplanasyon si Ruru na kung kakailangan daw talaga iyon para sa malaking proyekto ay handa niyang ikonsidera ang pagpapaka-daring.

“…Willing to give everything. I mean kung ganoon kalaking proyekto and tingin mo hinihingi talaga ng script, talagang gagawin mo siguro,” sagot ng “Lolong” star.

BInigyang diin naman ni Yassi na hindi pa raw siya ready sa kasalukuyang tumanggap ng mga daring roles.

“Hindi ko po makita ang future. Ang alam ko lang po ay ang now. At ngayon po ay hindi pa po ako handa,” wika ng aktres.

Natawa pa nga ang aktres nang tanungin kung may posibilidad pa ba itong mangyari.

“Pagdating po siguro ng panahon na ‘yon. Pero hindi pa po bukas,” pahayag pa ni Yassi.

Matatandaang si Yassi ang 2023 calendar girl ng Ginebra kung saan ibinabandera ng aktres ang kanyang seksi na katawan suot ang bikinis.

AUTHOR PROFILE