Default Thumbnail

Pasay court officer timbog sa pangingikil

May 30, 2024 Jonjon Reyes 94 views

ARESTADO ang opisyal ng korte dahil sa Direct Bribery, Anti-Graft and Corrupt Practices at Conduct and Ethical Standards for Public Officials sa entrapment ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Pasay City.

Ayon sa NBI-Cybercrime Division (NBI-CCD), court officer ng RTC Branch 108 ng Pasay City ang natiklo na si alyas Mariejoy Lagman.

Nag-ugat ang pag-aresto sa suspek sa request letter ng Korte Suprema sa NBI na humihingi ng atensyon at aksyon kaugnay sa alegasyon na nangingikil ng pera ang RTC Branch 108 ng Pasay City mula sa mga sangkot sa mga kaso na nililitis sa nasabing sangay.

Nagawa ng mga operatiba ng NBI-CCD na magkaroon ng komunikasyon sa isa sa mga partido (defendant) at ibinunyag na ang nasabing sangay ng Korte talagang nangingikil ng pera mula sa akusado kapalit ng isang paborableng desisyon.

Noong Mayo 23, 2024, ang mga operatiba ng NBI-CCD kasama ang Liaison Officer ng nasasakdal nagtungo sa tanggapan ng kawani ng RTC Branch 108 sa Pasay City Justice Hall upang ibigay ang hinihinging P6 milyon.

Sa pagbigay ng marked money kay Lagman bilang kapalit, nagbigay ng Court Order na naglalaman ng dismissal ng kaso na pabor sa akusado.

Sa pagkakataong ito, agad na pumasok sa court staff room ang mga operatiba ng NBI-CCD at inaresto si Lagman.

AUTHOR PROFILE