Pokwang

Pokwang bet ‘ipa-Tulfo’ si Lee O’Brian

September 15, 2023 People's Tonight 190 views

MINSAN na umanong naisip ng actress-comedienne na si Marietta Subong o mas kilala bilang Pokwang na lumapit at humingi ng tulong sa broadcast journalist na si Raffy Tulfo at sa tanggapan nito.

Matatandaang kamakailan lamang ay naglabas ng saloobin ang actress-comedienne patungkol sa hirap na pinagdadaanan niya bilang single mother sa kanyang anak na si Malia simula ng maghiwalay sila ng ama ng anak at ex-partner na si Lee o’Brian.

Prangkahang inamin ng “TiktoClock” host sa comment section ng kanyang Instagram post na para matapos na ang kanyang problema sa kanyang dating partner na si Lee O’Brian ay naisip na niyang ipa-Tulfo ito.

Nag-reply kasi ang komedyante sa isang netizen na nagbigay komento tungkol sa mga amang hindi marunong magsustento sa kanilang mga anak.

“Ang kakapal ng mukha ng mga tatay na di marunong sumuporta sa kanilang mga anak..i feel you kasi single mom din ako.” komento ni user @iamadethalim.

“Gusto ko na nga ilapit minsan kay @raffytulfoinaction ng matapos na yang mayabang na kano nayan!” sagot naman ni Pokwang sa komento ng netizen.

Pahayag pa nga ni Pokwang na hinihiling niya rin ang deportation ng dating partner dahil ito umano ang magpapawala ng kanyang mga kalungkutan.

“Sana madeport tlaga yan [si] lee @itspokwang27 at [ma-ban] sa pinas,” komento pa ng isang netizen na may handler na @195_ic.

“Pinagdarasal ko yan kasi yan na ang katapusan ng sadness ko kapag wala na sya dito.” pahayag naman ng komedyante sa comment ng netizen.

Nag-agree rin ang IG user na si @tine.paulo at sinabing, “True mamang! Pabalikin na dito yan! Stay strong!”

Wika naman ni Pokwang na, “lumalaban e hindi nya maiwan buhay hari nya dito kasi may mga sumasamba na mga primitives hahahhahaa.”

May nagbigay din ng payo kay Pokwang na mag-move on na lamang sa dating kasintahan. Tanggapin at ipagpasa-Diyos niya na lamang daw ito.

“Nako momshie ganon talaga ‘pag single mom, move on na momshie. Buti ka nga may source of income, ‘dame single mom diyan walang-wala pero fight lang ganon,” pahayag ni user @angieuaje.

“Ipagpasa Diyos mo na ‘te. Move on and accept everything tanggalin mo na yang hate sa puso mo, be matured enough lesson learned ulit sayo yan then stand up again,” dagdag pa ng netizen para kay Pokwang.

May ipinukol namang sagot si Pokwang sa payo ng netizen at sinabing nais niya munang palayasin ang ex-partner para wala umanong sagabal sa kanya.

“Palayasin ko muna bago ako mag move on para wala ng tinik sa daraanan ko.” saad ng komedyante.

AUTHOR PROFILE