Marian

Fans abangers sa susunod na TikTok video ni Marian

May 18, 2024 Vinia Vivar 129 views

Ikinatuwa ni Marian Rivera na marami ang gumagaya sa Marimar transformation, ang kanyang latest viral video sa TikTok.

Ito ‘yung version ng aktres ng usung-usong make-up transformation na talaga namang milyun-milyon ang views.

Pati nga celebrities, kumasa na rin sa Marimar dance video tulad ni Zeinab Harake at ang co-star ni Marian sa My Guardian Alien na si Christian Antolin.

Caption pa ni Zeinab sa kanyang video, “Marimar trend 🧜‍♀️ Palagi kang magiging inspirasyon My idol @marianrivera.”

Sa comment section ay makikitang nag-react si Marian ng tatlong smiling face with heart-eyes emoji.

“Nakakatuwa na ginagaya nila ‘yung Marimar. ‘Yun naman talaga ang ano nu’n, eh, parang ‘kayo naman ang susunod,’” masayang sey ni Marian sa “24 Oras.”

Sey pa niya, “Nakakatuwa kasi talagang career sila, nasa isla, may Fulgoso, naka-shell, may dress na floral.”

Sa ngayon ay abangers na ang fans ng Kapuso Primetime Queen sa susunod niyang dance video na pauusuhin at ipo-post sa TikTok.

AUTHOR PROFILE