Heart Larawan mula sa IG/@iamhearte

Selfie nina Heart, Bea, Maja, Kathryn kinuyog ng netizens: ‘Queens!’

September 15, 2023 People's Tonight 236 views

AGAW-PANSIN ngayon sa social media ang litratong ibinahagi ng actress-socialite na si Heart Evangelista dahil kasama lang naman niya ang kanyang mga kapwa “Queens” ayon sa netizens sa nasabing larawan.

Sa kanyang Instagram page nitong Biyernes, Setyembre 15, nag-post si Heart ng bonggang selfie mula sa Aivee League. Ang kasama lang naman ng aktres ay mga kapwa niya A-list actresses na sina Bea Alonzo, Maja Salvador, at Kathryn Bernardo.

Makikita sa nasabing larawan na pare-parehong nakangiti ang mga aktres.

“Rare gems are beautiful, but pure hearts are priceless,” pahayag ng actress-socialite sa caption ng kanyang post.

Kinuyog naman ng netizens at ilang personalities ang picture ng mga aktres at marami pa nga ang tumawag sa kanila ng “queens” sa comment section.

May ilan pang nagsabi na sana raw ay magsama-sama raw sa iisang movie ang apat na aktres.

“Love this photo!” sey ni Bea Alonzo.

“Glad to see you four in a frame!”

“Empowered Women indeed. What a sight!”

“Grabe! These are A-list Actors!!!”

“Mga actress na walang kupas simula noon hanggang ngayon.”

“What about a movie altogether?”

“Please make a movie for these 4 beauties!!!”

AUTHOR PROFILE