Barbie Forteza

Barbie sa 7th anniversary nila ni Jak: Kung may forever naman, ba’t ‘di natin subukan?

May 19, 2024 Vinia Vivar 122 views

Nagdiwang ng ika-7th anniversary kahapon, May 18, ang magdyowang Jak Roberto at Barbie Forteza. As always ay napakatamis ng kanilang pagbati sa isa’t isa sa social media.

Sa Instagram post ni Barbie ay ibinahagi niya ang mga larawan sa naganap na anniversary date nila. Sa caption ay sinabi ng aktres na hindi siya makapaniwala na ganito na sila katagal ng boyfriend.

“Happy 7th anniversary, Mahal! @jakroberto ♥️

“I can’t believe it’s already been that long cause you still make me laugh the same way as when we went out on our first ramen date,” mensahe ni Barbie.

Patuloy pa niya, “You never fail to treat me the way you promised my family you would. Lastly, you love and care for my family more than you should.”

Kaya naman labis ang pasasalamat ng aktres sa dyowa.

“You have raised the bar, my love. I’m so grateful for you.

“Mahal na mahal kita,” pagtatapos ng anniversary message ni Barbie.

Sa comment section ay matamis ding sumagot si Jak. Mensahe niya, “Happy 7 years mahal ko! I love you so much.”

Hindi naman nagpatalbog si Barbie na sumagot din nang bonggang-bongga.

“@jakroberto kung may forever naman, bat di natin subukan,” ani Barbie.

Nagkomento si Luis Manzano at nagbiro ng, “Direk, pack up! We got it.”

Bumati rin si Manilyn Reynes at aniya, “Happy Anniversary mga ‘Nak @barbaraforteza and @jakroberto .”

Sabi naman ni Bea Binene, “Wuuuy may forever! Happy 7th!!!!”

AUTHOR PROFILE