Lolit

Lolit ’di pinagsisisihan ang ginawang filmfest scam… 77th birthday, star-studded

May 19, 2024 Vinia Vivar 106 views

Lolit1Lolit2Lolit3Lolit4Lolit5Bongga at star-studded ang 77th birthday lunch celebration ng veteran showbiz columnist at talent manager na si Lolit Solis kahapon sa Oriental Palace Seafood Restaurant sa Tomas Morato, QC.

Ang nasabing lunch party ay courtesy ng mag-asawang Sen. Bong Revilla at Congresswoman Lani Mercado.

Dumalo ang karamihan sa mga alagang artista ni ‘Nay Lolit tulad nina Paolo Contis, Christopher de Leon and wife Sandy Andolong, mag-asawang Tonton Gutierrez and Glydel Mercado, Pauleen Luna kasama ang busong anak nila ni Vic Sotto na si Thia, Amy Austria, Councilor Alfred Vargas with brother Cong. PM Vargas, Nanette Medved at Benjie Paras, among others.

Present din sina Sen. Jinggoy Estrada, Boy Abunda, Tirso Cruz III with wife Lyn Ynchausti, Ali Sotto, GMA bosses na sina Redgie Acuna-Magno at Lilibeth Rasonable, TV5 exec na si Wilma Galvante, Malou Choa-Fagar, Pat-P Daza, ang rich businesswomen na sina Alice Eduardo, Cris Roque at Rei-Anicoche Tan at iba pang malalapit na kaibigan ni ‘Nay Lolit sa showbiz.

Naroroon din ang buong staff at mga dating kasamahan ng celebrator sa Star Talk, kabilang na sina Butch Francisco at Kuya Boy.

Sayang at hindi nakarating si Sen. Bong na kasalukuyang nagpapagaling pa sa Achilles tendon surgery pero naroroon naman ang misis niyang si Lani, anak na si Cong. Bryan at kapatid na si Rowena Bautista.

Ang saya-saya ng party at panay ang kantyaw ng mga bisita kay ‘Nay Lolit dahil panay ang dating ng mga gift in cash and in kind.

Nagbigay din ng mga nakakaaliw na pa-tribute ang kanyang mga alaga. ‘Katuwa ang speech ni Paolo na sa kagustuhan umano niyang i-manage siya ni ‘Nay Lolit ay binili niya ang kanyang kontrata sa dating manager at mula nu’n ay nagkagulo-gulo na ang buhay niya.

Pero lahat ng naroroong alaga ni ‘Nay Lolit ay nagpatunay na kahit kilalang harbatera ang kanilang manager, mabuti ang puso nito, mapagbigay, matulungin at napaka-loyal na kaibigan.

Ang ganda rin ng “Fast Talk” segment ni ‘Nay Lolit with Kuya Boy kung saan ay natanong ang veteran columnist/talent manager tungkol sa kanyang love life at iba pang kontrobersiya sa buhay.

Ayon kay ‘Nay Lolit, ang biggest mistake na nagawa niya ay ang Manila Film Festival scam noong 1994.

Pero hindi niya ito pinagsisisihan.

“Siguro, if I will live my life again, gagawin ko ulit ‘yung scam,” aniya.

Dito raw kasi niya napatunayan ang pagmamahal sa kanya ng mga taga-showbiz, partikular na ang kanyang mga alaga na lahat ay ipinagtanggol siya.

“Lahat ng alaga ko, ipinagtanggol ako. Lahat ng mga pinakitaan kong mabuti sa mga reporters, showbiz writers, ipinagtanggol ako. Kaya I did not feel alone that time,” she said.

Pinakamalaking blessing umano niya sa buhay ay nang mapunta siya sa showbiz dahil dito guminhawa ang kanyang buhay, nagkaroon ng kotse at sariling bahay, at nakarating sa iba’t ibang panig ng mundo.

Labis naman ang pasasalamat ng celebrator sa lahat ng dumalo. Akala raw niya ay marami ang hindi makakarating dahil tanghali ito at Sunday pa.

Kaya naman sobrang nag-melt daw ang kanyang puso sa mga naglaan ng oras para makarating sa lunch party.

Actually, ngayong Lunes, May 20, ang exact birthday ni ‘Nay Lolit. (Happy birthday po, ‘Nay! — IFF)

AUTHOR PROFILE