Loyzaga

11 LGUs may backhoe sa paglilinis ng mga ilog papuntang Manila Bay

May 30, 2024 Cory Martinez 171 views

NAGBIGAY ng 11 backhoes-on-barge ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa 11 syudad at munisipalidad para mapaigting ang paglilinis sa mga ilog at daluyan ng tubig patungong Manila Bay.

Ayon kay DENR Secretary Antonia Yulo-Loyzaga, makakatulong ang mga backhoes na nagkakahalaga ng P491.46 milyon sa paglilinis na mga ilog. “It is important to remember that the health of our rivers directly impacts the health of our communities,” ani Loyzaga.

“Hinihikayat namin ang mga LGU (local government unit) na gamitin ang mga backhoes-on-barge hindi lamang sa paglilinis at dredging ng mga daluyan ng tubig at coastal areas ng Manila Bay region kundi pati sa pagsawata sa mga baha na nagdudulot ng banta sa buhay at proprlerty sa maraming komunidad dahil na rin sa climate change,” dagdag pa ni Loyzaga.

Kabilang sa mga LGU na nabigyan ng kagamitan ang Malabon, Marikina, Muntinlupa, Pasay, Pasig, Pateros, Quezon City, Taguig, San Fernando, Pampanga; Obando, Bulacan at Bacoor, Cavite.

“This is made possible by the partnership forged in 2021 between the DENR and the Department of Public Works and Highways (DPWH) to provide LGUs with tools and heavy equipment to dredge and desilt waterways and collect submerged garbage as part of the continuing rehabilitation efforts in this historical and valuable bay,” paliwanag ni Loyzaga.

“Malaking papel ang ginagampanan ng mga LGU sa matagumpay na rehabilitasyon ng Manila Bay,” ani Loyzaga.

Ang rehabilitasyon ng Manila Bay isinasagawa dahil sa mandato ng Korte Suprema sa pamamagitan ng isang Continuing Mandamus Order na inilabas noong Disyembre 18, 2018.

Inatasan ang DENR, DPWH at iba pang agencies, LGUs at ang dalawang water concessionaires na linisin at i-rehabilitate ang naturang lawa at panatilihin sa safe level ang tubig nito.

Dahil sa utos ng Korte Suprema, binuo ang Manila Bay Rehabilitation Task Force noong 2019 sa pamamagitan ng Administrative Order No. 16 at ang DENR secretary ang itinalagang chairperson at vice chair naman ang mga department head ng Interior and Local Government at Tourism.

“The task force has since been taking remedial measures to bring Manila Bay back to life,” ayon pa kay Loyzaga.

Kabilang sa mga remedial measure na ipinatupad ang engineering at technological assistance upang mapabuti ang kalidad ng tubig ng mga estero at waterways, ang rehabilitasyon ng mga lumang sewer line sa National Capital Region at ang relokasyon ng mga informal settler family na nakatira sa paligid ng Manila Bay.

Simula noong 2019, mahigit sa 1.1 million cubic meters ng solid waste at silt ang na-dredge sa mga ilog, estero at coastal area sa paligid ng lawa.

AUTHOR PROFILE