Eddie

IRR ng Eddie Garcia Law inaabangan

May 29, 2024 Jun Nardo 107 views

BBM2BATAS na ang The Eddie Garcia Bill matapos itong pirmahan ni President Bongbong Marcos nitong nakaraang araw.

Proteksiyon ang batas para sa TV and movie workers sa working hours at iba pang kundisyon sa entertainment industry.

Nagtulung-tulong ang mga senador na konektado sa showbiz upang maipasa ito.

Nabuo ang batas dahil sa biglaang pagpanaw ng veteran actor na si Eddie Garcia nang maaksidente sa taping hanggang sa pumanaw siya.

Ang Implementing Rules and Regulations na lamang ang gagawin upang tuluyan nang maisakatuparan ang The Eddie Garcia Law.

Alamin natin kung magiging maayos na ang trato sa workers sa TV at pelikula dahil sa The Eddie Garcia Law.

BAGONG TRABAHO

MAY bagong trabaho si Ai-Ai de las Alas sa Amerika.

Siya ang operations officer ng isang beauty brand na pag-aari ng Filipino-American nurse, make-up artist at aesthetician na si Marilou Colina.

Nagbitiw na ang komedyana bilang artistic director ng isang facility center sa San Francisco, California upang maka-focus sa bagong trabaho.

Bigay ang produkto sa kanya sa isang show. Hindi niya pinansin ito nu’ng una hanggang makita niyang mamahalin ang packaging nito.

Pagdating sa make-up at skin products mapili siya dahil sa allergy at sakit na psoriasis.

Sinamahan pa niya ng dasal ang una niyang paggamit nito. Hindi nangati ang mukha at balat niya. Pati ang asawang si Gerard, aprubado rin ito.

Bahagi rin ng aesthetic company ang anak niyang si Sophia na chief financial officer naman ang posisyon.

Habang wala pang project sa GMA, mananatili muna sa States ang komedyana at kanyang pamilya.

AUTHOR PROFILE