Chance

KELVIN AT KIRA EMOSYONAL SA PREEM NG FIRST TEAM-UP

May 29, 2024 Ian F. Fariñas 138 views

PAREHONG nanginginig at emosyonal sina Kelvin Miranda at Kira Balinger sa katatapos na premiere night sa SM Megamall ng una nilang team-up, ang Chances Are, You and I, mula sa Pocket Media Productions, Incorporation.

Bago ang screening, sinabi nina Kira at Kelvin na matagal silang naghintay para mapanood ng lahat ang romance-drama film na dinirek ni Catherine Camarillo.

“Hindi ko po alam kung ano ‘yung sasabihin ko. Kahit na po ang daming nangyari, kontrobersiya na na-experience, na-encounter namin dito sa pelikulang ito, arghhh, totoo po ‘yon, pero para po sa inyo ‘tong pelikula. Ginawa po namin lahat ng makakaya namin para mapaganda po nang husto ang pelikulang ito,” pahayag ni Kelvin.

Pinasalamatan din nila ang pinagsamang Kapamilya at Kapuso families na dumalo’t sumuporta sa pangunguna na nina Lauren Dyogi, Olive Lamasan, Tyronne Escalante (manager ni Kelvin), Roselle Monteverde ng Regal Films, atbp.

Hindi naman nabigo ang dalawa dahil na-impress ang audience sa tindi ng chemistry nila bilang Sol at Gab na magkaiba man ang pananaw sa buhay, kaiinlaban pa rin sa husay ng pagganap sa characters nila.

Showing na ang Chances Are, You and I sa mga sinehan.

AUTHOR PROFILE