Robbery HULI KA–Kinilala ni Police Major Kevin Rey Bautista, bagong hepe ng DPIOU-MPD, ang suspek sa robbery na natimbog sa Tondo, Manila. Kuha ni Jon Jon Reyes

Robbery suspect laglag sa parak

May 30, 2024 Jonjon Reyes 129 views

HULI sa mga operatiba ng District Police Intelligence Operation Unit (DPIOU) ng Manila Police District ang lalaki dahil sa robbery sa panulukan ng Mel Lopez Boulevard at Pacheco St., sa Brgy. 83, Tondo, Maynila noong Miyerkules.

Kinilala ni Police Major Kevin Rey Bautista, hepe ng police unit ang suspek na si alyas Ryan.

Inaresto ang suspek bandang alas-6:00 ng gabi. Base sa report, naaresto ang suspek sa tulong ng warrant of arrest na inisyu ni Ma. Theresa Dolores Gomez-Estoesta, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 7 ng Manila.

AUTHOR PROFILE