Huli CAUGHT–Kitang kita sa CCTV ang 18-anyos na binatilyo na aktong tinatangay ang motorsiklo makaraang i-review ng mga awtoridad sa Figueroa St., Paco, Maynila noong Miyerkoles.

Nagnenok ng motorsiklo nalambat

May 30, 2024 Jonjon Reyes 145 views

NAHULI ang isang 18-anyos na binatilyo dahil sa pag- nenenok ng motorsiklo sa Figueroa St., Paco, Maynila noong Huwebes.

Nakilala sa alyas Bryan ang suspek ng Pedro Gil St. sa panulukan ng M. Roxas St., Sta. Ana, Maynila.

Ayon sa ulat, bandang alas-3:17 ng madaling araw ng maganap ang insidente sa naturang lugar.

Una rito, dakong alas-4:00 ng umaga ng humingi ng tulong ang biktima na isang alyas Lawrence, 35, matapos nakawin ang kanyang Yamaha NMax.

Salaysay ng may ari ng motorsiklo, habang naka park sa lugar ang kanyang sasakyan bigla itong maglahong parang bula.

Ni-review sa barangay hall ang CCTV sa lugar at doon nakita ang suspek na tinangay ang motorsiklo kaya nagsagawa ng follow up operation ang pulisya.

Noong Mayo 29, isang concerned citizen ang nagsabi na namataan ang suspek sa Pedro Gil St. corner M. Roxas St. sa Sta. Ana, Maynila.

Pumunta sa nasabing lugar ang mga pulis kasama ang biktima para i-verify ang nasabing ulat. Pagdating sa lugar, nakita ang suspek habang nakasakay sa nasabing motorsiklo.

Wala nang nagawa ang binatilyo ng arestuhin siya ng mga awtoridad at narekober ang motorsiklo.

AUTHOR PROFILE