James

James handa nang magpatali kay Issa

May 30, 2024 Vinia Vivar 153 views

At 31, kinumpirma ni James Reid na naiisip na rin niya ang mag-settle down.

Sa panayam ni MJ Felipe ng ABS-CBN kay James who just turned 31 last May 11, sinabi niyang nag-iba na ang kanyang priorities ngayon.

“I feel it. I definitely feel it. Priorities are changing,” sey ni James.

“It’s really trying to see my music through, trying to see my career through, really just doing things the right way. And maybe settling down soon,” dagdag pa niya. \

Natanong nga ang aktor kung ready na rin ba siyang dalhin sa next level ang relasyon nila ng girlfriend na si Issa Presman.

Sagot niya, “I think so. I think I learned a lot from my 20s and hopefully we all do.”

Kinumpirma rin niya ang plano na pagbabalik sa paggawa ng pelikula na siya rin ang magpo-produce.

“That is my plan. There is actually a project that I’m working on right now. Very early stages of the concept but my plan is to be able to produce and star in a film,” ani James.

Bagama’t wala pang detalyeng binanggit ang aktor/singer about the comeback film, sinabi niyang may kinalaman ito sa musika.

AUTHOR PROFILE