Inigo Mga larawan mula sa IG/@inigopascual

Iñigo ‘bumukaka’ sa 26th b-day

September 15, 2023 People's Tonight 333 views

IPINAGDIWANG ng singer-songwriter at aktor na si Iñigo Pascual ang kaniyang ika-26 kaarawan nitong Huwebes, Setyembre 14.

Sa kaniyang Instagram page, ibinahagi ng “Dahil Sa’yo” singer ang ilang larawan ng kaniyang trip sa Italy. Nilagyan ni Iñigo ang nasabing post ng simpleng caption na “26 [white heart emoji]”, na tanda ng selebrasyon ng kaniyang kaarawan.

Sa ilang larawang kaniyang ibinahagi makikita ang aktor na nakabukaka suot-suot ang puting shorts at naka-topless. Nakasalampak si Iñigo sa isang bangkang de motor habang pinagmamasdan ang tanawin ng Lake Como sa Northern Italy.

Hindi naman napigilang mag-comment ng ilang netizens sa pagbabandera ng makisig na katawan ni Iñigo sa nasabing post.

“HBD! Ikaw yung may b-day pero ikaw din yung handa? Kimmy,” pabirong hirit ni IG user @simonesindol.

Samantala, inulan naman ng birthday greetings ang singer-songwriter mula sa ibang personalities at maging sa netizens.

AUTHOR PROFILE