Gretchen

GRETCHEN OFFICIAL LOLA NA

May 30, 2024 Vinia Vivar 145 views

Official lola na si Gretchen Barretto matapos magsilang ng isang malusog na sanggol ang kaisa-isa niyang anak na si Dominique Cojuangco.

Ibinahagi ng bagong mom sa kanyang Instagram account ang magandang balita kalakip ang larawan ng new-born baby girl nila ng mister ma si Michael Hearn.

Makikita rin sa photo na nakasulat ang pangalang Penelope Eloise na siyang name ng sanggol.

“A week of bliss. Five two-hour lipid IV drips and two-hundred and forty-two Heparin injections, but I’ve enjoyed every minute of my pregnancy. Michael and I are delighted to welcome our little wiggler from inside my womb. Thank you, Lord,” ang caption ni Dominque.

AUTHOR PROFILE