Valerie nasaktan nang hanapin ng anak ang ama

May 20, 2023 Aster Amoyo 489 views

NAGING emosyonal si Valerie Concepcion nang ihayag ang sakit na naramdaman nang malamang hinanap ng anak niyang si Heather Fiona ang tatay nito na si Jeremy Carag.

“Magso-sorry ako kasi she’s 18 now and may time na hinahanap niya ‘yung tatay niya. So siguro ang iso-sorry ko is ‘yung hindi ko nabigay sa kanya ‘yung normal na family na dapat. Tina-try ko so hard to being a mom and dad to her. It pains me noong nalaman ko na hinanap niya ‘yung tatay niya kasi feeling ko, hindi ako enough. Hindi ko naibigay ‘yung lahat para hanapin pa niya ang tatay niya,” ayon sa “Seed of Love” actress.

Ngayon daw ay naunawaan na niya kung bakit ito ginawa ng kanyang anak.

“But of course she doesn’t make her love me less just because she’s looking for her father. She just really wants to know where she came from, her roots, and her story. Now I understand that. We tried reaching out. I tried telling him, that ‘Our daughter is ready to meet you. She told me she’s ready’ but I didn’t get a response, sadly,” sabi ni Valerie.

Sa kabila nito, hinikayat ni Valerie si Fiona na huwag pa ring magalit sa ama nito.

“I always tell her don’t be mad at your dad because no matter what happens bali-baligtarin mo ang mundo, tatay mo ‘yan, you have to respect. But of course hindi mawawala sa bata na nasaktan siya at na-disappoint siya. So if may iso-sorry ako, siguro ‘yun, ‘yung wala kasi akong kontrol doon eh.”

Yassi gustong sumama sa ‘Batang Quiapo’ team

YassiBUKAS si Yassi Pressman na maging parte ng sikat na serye na “FPJ’s Batang Quiapo” na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Sa “Magandang Buhay,” inamin din ni Pressman na nami-miss niya ang mga dating nakasama sa “FPJ’s Ang Probinsyano” na ang iba ay nasa “Batang Quiapo” rin.

“That’s my family at sobrang tagal na po naming nagsama. ‘Yung parang araw-araw na magkasama kayong lahat ay nakaka-miss din siyempre,” sey ni Yassi.

Matatandaang matagal na nagkatrabaho sina Martin at Pressman sa “Ang Probinsyano” kung saan ginampanan ng aktres ang karakter bilang si Alyana, na naging misis ng bidang karakter ni Martin na si Cardo Dalisay.

Pag-amin din ni Pressman, pinanood niya ang unang episode ng “Batang Quiapo” at hanga siya sa pagganap ng mga kasamang bituin.

“Nagshu-shooting ako ng ‘Kurdapya’ tapos nung dinner break namin pinanood ko. Sabi ko, ‘Ang huhusay pa rin talaga ng mga ito.’ Ang galing-galing po talaga nila.”

Sa “Batang Quiapo,”si Lovi Poe ang pinakabagong leading lady ni Coco Martin.

Manilyn napaiyak nang mawala ang boses

MINSAN na palang nawala ang magandang tinig ni Manilyn Reynes dahil nagkaroon ito ng nodules o mga bukol sa kanyang lalamunan.

Akala noon ni Mane na katapusan na iyon ng kanyang singing career.

Kuwento ng ‘Pepito Manaloto’ star: “There was never a time na napagod ako and I wanted to walk or go away. Ang sa akin po, nagkataon na nagkaroon ako ng nodules before and I thought it was really the end of my singing career. And that is why I wanted to leave. Kasi hindi nga po ako makaka-sing. Talagang naiyak ako noong nalaman ko.”

Natuklasan niya ito nang minsan siyang kumanta sa isang jamming session. Wala raw lumalabas na boses niya sa microphone.

“Kakanta ako. It was not even for a concert eh, parang jamming lang. Paghawak ko ng mic, pag-open ko ng bibig ko walang lumabas na voice.

Akala ko lang ‘yung mikropono. Wala, wala as in wala. Super-cry ako talaga. Kasi ito ‘yung ginagawa ko eh, ito ‘yung kabuhayan natin. And then wala siya. So paano?”

Noong pinatanggal ni Mane ang mga nodules sa kanyang lalamunan, ilang linggo lang siyang nagpahinga at bumalik na ang singing voice niya.

Kaya sa kanyang mga social media accounts, panay ang kanta ni Mane para ramdam niya na nandiyan pa rin ang boses niya. Weekly naman siyang kumakanta sa All-Out Sundays para nakaka-perform siya kasama ang mga bagong artista ngayon.

Pinasikat ni Mane noong ’80s ang mga awiting “Apple Thoughts”, “Somewhere Along The Way”, “Mr. Disco”, “Sayang Na Sayang”, “Feel Na Feel”, at ‘Kung Sino Pang Minamahal”.

AUTHOR PROFILE