Maymay

Maymay at Canadian BF nakikiuso sa showbiz hiwalayan

March 1, 2024 Vinia Vivar 143 views

Mukhang may nadagdag na naman sa listahan ng hiwalayan sa showbiz dahil ang latest speculation, break na rin si Maymay Entrata at ang Canadian boyfriend niyang si Aaron Haskell.

Marami ang nakapansin na hindi na naka-follow sa isa’t isa sa Instagram sina Maymay at Aaron kaya ang tanong ng ibang netizens ay kung nakiuso na rin ba ang dalawa sa hiwalayang nagaganap ngayon sa showbiz.

Hindi pa malinaw kung kailan nagsimulang mag-unfollow-han sina Maymay at Aaron at kung bakit. Pwedeng baka naman tulad din ng katwiran nina James Reid at Issa Pressman noon na tine-test lang nila na mag-unfollow sa isa’t isa o baka may problema nga ang kanilang relasyon o pwede ring hiwalay na nga sila.

Matatandaan na sa isang panayam ay nabanggit noon ni Maymay na napakahirap ng LDR o long distance relationship at malaking factor din talaga ito sa paghihiwalay ng magkarelasyon.

Komento naman ng ibang netizens, in-expect na rin nila na hindi magtatagal ang relasyon ng dalawa dahil bukod nga sa magkalayo ay magkaiba pa sila ng kultura.

“Matagal na naming alam and napapansin na waley na sila. Last year pa!” sey ng isang netizen.

Komento naman ng isa pa, “Bata pa naman c maymay jusko… normal lang sa mga bagets yan.”

AUTHOR PROFILE