Mikee Larawan mula sa IG/Mikee Quintos

Makikipag-karera na sa mga hubadera?

March 1, 2024 People's Tonight 109 views

KAYANG-KAYA nang makipagsabayan pagdating sa paseksihan ang Kapuso actress na si Mikee Quintos.

Sa Instagram page ng aktres, namukadkad ang alindog nito.

Katakam-takam ang legs ni Mikee na may kasama pang pa-cleavage sa suot niyang dress sa kanyang IG post. Does it mean na keri niyang makikipagkarera na siya sa mga hubadera?

Makikita sa larawan na nasa isang picnic set ang aktres na siyang nagbigay aliwalas sa kanyang kumikinang na awra.

Pati ang aktres na si Kate Valdez ay hindi napigilang magbigay reaksyon sa mga larawan ni Mikee.

“Kaganda naman niyan,” sey ni Kate.

Sumabog ang kanyang comment section matapos itong pusuan at paulanan ng fire emojis.

AUTHOR PROFILE