Gelli

Gelli sumabak sa kakaibang show

March 1, 2024 Vinia Vivar 207 views

Susubukan ni Gelli de Belen ang public service show dahil isa siya sa hosts ng bagong programa sa GMA-7 na Si Manoy ang Ninong Ko kasama sina Patricia Tumulak, Sherilyn Reyes-Tan at ang former businessman-turned-public servant na si Agri Party List Representative Wilbert Lee.

Sa dami nga ng kanyang naging shows mula pa noon, ito ang first time ni Gellie na mag-host ng isang public service show.

“From Sis na masaya lang, from Face to Face nag-aaway, Face the People, ‘eto (Si Manoy ang Ninong Ko) tumutulong,” sabi ng aktres/TV host sa ginanap na mediacon ng nasabing bagong show last Thursday night.

“Sinusuyod ang buong Pilipinas, tapos, humahanap ng mga taong maaaring matulungan at tinutulungan sila without any agenda, and of course, hindi lang tulong na pang-ngayon lang. Sinisiguro na ‘yung tulong na maibibigay sa kanila is habang-buhay. Magagamit nila habang-buhay,” dagdag niya.

Kaya nga umano sobrang grateful niya na makapag-host ng ganitong klase ng programa.

“Grateful ako for the opportunity, hindi lang ‘to masayang-masaya, it’s really hihimayin ang problema ng certain area, tapos aalamin kung paano ba sila matutulungan.

“Hindi po kami nagmamagaling. Talagang humahanap kami ng tamang solusyon at dini-discuss namin ni Manoy (Cong. Wilbert) with our experts kung paano ba talaga sila matutulungan and I’m just there, actually, to help them get to that decision.

“So, it’s really something I am grateful na I am a part of,” she said.

Every week ay may featured na dalawang beneficiary groups ang show at mismong sina Patricia at Sherilyn naman ang pumupunta sa mga lugar at mag-iikot sa buong Pilipinas para personal na makita ang mga problema at concern ng mga residente.

“Sometimes, they just want to feel that they are seen and heard, so listening to them is already a form of help. But of course, we don’t stop there. We thoroughly study their cases and we try to provide solutions for their concerns,” sabi ni Patricia.

Ayon naman kay Sherilyn, “We want to go beyond solving their immediate problems – we also want to give them hope by providing opportunities to support themselves in the long term.”

Magsisimula na bukas, Sunday (March 3), 7 a.m., sa GMA-7 ang Si Manoy ang Ninong Ko.

For its pilot telecast, tatalakayin nina Manoy Wilbert, Gelli, Patricia at Sherilyn ang mga problemang kinakaharap ng mga onion farmer sa Pangasinan, gayundin ng volunteer sea guardians sa Orani, Bataan.

AUTHOR PROFILE