Beauty

Beauty, game i-donate ang kontrobersyal na mga alahas

December 13, 2023 Vinia Vivar 112 views

Willing si Beauty Gonzalez na i-donate sa National Museum ang mga gold jewelry na isinuot niya sa GMA Gala 2023 noong July na naging kontrobersyal dahil sa iba’t ibang reaksyon publiko.

Matatandaang isa nga sa mga nag-react sa alahas ng aktres ay ang curator na si Marian Pastor Roces na nagsabing ang mga isinuot ni Beauty ay galing sa patay o “death mask.”

Aniya, ginagamit ito bilang pantakip sa mata at bibig ng yumao bago ilibing noong sinaunang panahon.

Sa mediacon ng Metro Manila Film Festival 2023 official entry na Kampon kung saan ay isa sa mga bida si Beauty, sinabi ng aktres na naghintay siya ng tawag mula sa kinauukulan at kung hihilingin naman siyang i-donate ito ay pagbibigyan niya.

“I’ve waited for a call, nobody called and I’m willing to donate it if it’s for the sake of everybody’s peace. As long as maganda ‘yung pangalan naming mag-asawa du’n ‘coz it’s years of love and collection. It’s not just one day,” ani Beauty.

Again, nilinaw niya na wala siyang masamang intensyon nang isuot ang mga alahas sa GMA Gala.

“I had good intentions of wearing it because everybody that night would wear Westernized. I wanted to wear something that is made from the Philippines, galing sa Pilipinas, thousands of years ago, so that was it,” aniya.

Marami pa umano siyang jewelry collections at abangan na lang kung isusuot niya ang mga ito.

Samantala, flattered si Beauty kapag sinasabing siya na ang bagong “Horror Queen” dahil sa Kampon. Pero ang wish niya ay tangkilikin ng mga tao ang pelikulang pinaghirapan nila dahil siniguro nilang ginawa nila ang lahat ng makakaya para mapaganda ito.

Showing na ito sa Dec. 25 under Quantum Films at kasama ni Beauty dito sina Derek Ramsay, Zeinab Harake at marami pang iba mula sa direksyon ni King Palisoc.

AUTHOR PROFILE