
KATHRYN, TULOY SA ‘ELENA 1994’
Mariing itinanggi ng ina ni Kathryn Bernardo na si Min Bernardo ang kumakalat na tsismis na aalis na sa ABS-CBN ang anak at lilipat na sa ibang network.
“Noooooo,” ang saad ni Mommy Min sa ipinadala niyang mensahe sa ABS-CBN News.
Dagdag pa niya, “Hindi siya aalis ng Kapamilya network!”
May mga tsika kasing lumalabas lately na aalis na sa Kapamilya si Kathryn at hindi na magre-renew sa kanyang talent management na Star Magic.
Ang balita pa nga ay lilipat na si Kath sa Crown Artists Management ng mag-asawang Rambo Nuñez at Maja Salvador.
Sa ngayon, naghahanda na umano ang aktres sa shooting ng historical film niyang Elena 1994 na ididirehe ni Olivia Lamasan.
Magsisimula na umano itong i-shoot sa 2024.