Higop3

Josef at Angelica, maaakit at maaadik sa kakaibang tamis sa ‘Higop’

December 13, 2023 Ian F. Fariñas 290 views

Humanda na sa naghihintay na sarap dahil sa pang-aakit nina Josef Elizalde at Angelica Hart na tikman ang nakakaadik na tamis sa Higop, streaming exclusively sa Vivamax simula bukas, December 15.

Isang sexy-drama Vivamax Original Movie mula sa direksyon ni Topel Lee, ang Higop ay kwento ng binatang magbabagong-buhay nang muli silang magkita ng kanyang TOTGA (The One That Got away) sa isang milk tea shop.

Hindi lang reunion nila ang sosorpresa sa kanya dahil malalaman din niya ang totoong ginagawa nito sa milk tea shop at ang totoong nangyayari sa lugar pagsapit ng gabi.

Si Josef ang gaganap bilang Noah, gwapo, charming at happy-go-lucky. Nakukuha niya ang kahit sinong babae na gustuhin niya at ginagawa rin niya ang mga gusto niyang gawin sa kanila.

Binibigyan siya ng aliw at pinaliligaya naman niya ang mga babae bilang kapalit. Pero kahit hindi na halos mabilang ang mga babaeng nakasama at naikama niya, wala pa ring plano si Noah na magkaroon ng seryosohang girlfriend dahil kay Ysa (Angelica), ang kanyang TOTGA.

Walang kahit na sinong makakapantay sa naging relasyon nila at mukhang wala ring balak palitan ni Noah si Ysa sa puso niya.

Ang matagal na pagdurusa at pangungulila ni Noah sa ex ay magbabago nang makita niya itong nagtatrabaho sa isang milk tea shop.

“Okinawa” ang pakilala nitong pangalan at dinidenay rin nito ang nakaraan nila.

Pero determinado si Noah na hindi na muling pakawalan ang mahal niya, kaya gagawa siya ng paraan para mag-imbestiga.

Kaso, magugulat siya sa matutuklasan niya.

Ang milk tea shop pala ay pakitang-tao lamang para itago ang lihim ng lugar. Ito pala ay isang bahay- aliwan o prostitution house at ang pangalan ng mga babaeng “oorderin” ng mga customer ay base sa iba’t ibang flavor ng milk tea.

Ang underground business na ito kung saan nagtatrabaho si Ysa/Okinawa ay pagmamay-ari ng foreigner na si Mon (Fabio Ide), ka-live-in partner ng dalaga.

Nagpaplano na si Noah na muling paibigin si Ysa at palayain sa ganitong trabaho. Magtagumpay kaya siya? Mabago pa kaya niya ang isip at mga desisyon ni Ysa o habangbuhay nang nakatali ang ex sa bagong karelasyon?

Makakasama nina Josef, Angelica at Fabio sa pelikula sina Van Allen Ong, Lester Llansang, Aila Cruz, Zsara Laxamana, Princess Zian, Jonica Lazo, Joanna David at Chloe Mendoza.

AUTHOR PROFILE