Dongyan

DongYan, game mag-promote hanggang Bagong Taon

December 13, 2023 Ian F. Fariñas 173 views

GAYA ng AshMatt, wala ring balak bumiyahe ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ngayong holidays.

Ayon sa Kapuso Primetime Queen, magsasama-sama silang pamilya sa bisperas ng Pasko pero sa Dec. 25, mag-iikot sila ni Dong sa mga sinehan para sa reunion team-up at MMFF entry nilang Rewind.

“Basta’t hanggang kaya po magpo-promote kami araw-araw hanggang New Year,” diin ni Dong.

Sobrang hectic nga ang schedule ng Dantes couple dahil bukod sa promo ng Rewind, eh, may product launches pa sila tulad na lang ng NWOW electric vehicles, kung saan kasama nila bilang endorser ang unico hijo nilang si Sixto.

“Minsan sa isang araw, four activities. Pero since sobrang importante talaga sa amin ang paparating na filmfest, excited kaming gawin lahat ng ito,” dagdag pa ni Dong.

Personally, anang aktor, hoping siya na lumabas ang mga tao para manood ng 10 entries.

“Sampung pelikula ‘yon na pwedeng pagpilian. It only goes to show na ang producers natin are very eager and excited to produce these para sa ating manonood,” patuloy niya.

Dahil dito, may pag-asa pa umano na muling sumigla ang industriya ng pelikulang Pilipino.

AUTHOR PROFILE