Penduko3

Matteo, natakot sa nagkalat na anting-anting at agimat sa ‘Penduko’ set

December 13, 2023 Ian F. Fariñas 172 views

AMINADO ang makabagong Pinoy action superhero na si Matteo Guidicelli na kinilabutan at kinapitan din siya ng takot habang ginagawa ang Metro Manila Film Festival entry na Penduko.

Sa katatapos na grand mediacon ng Viva Films movie na isinulat at dinirek ni Jason Paul Laxamana, sinabi ni Matteo na nagkalat sa action-fantasy set ang iba’t ibang klase ng anting-anting at agimat.

Ang ilan sa mga ito, legit umano kaya kailangang pag-ingatan.

Kwento pa niya, “‘Yung doll, ‘yung manipulating the doll. You really feel a certain element there. Siyempre hindi ko ipinakita kay Direk pero ‘pag pack-up na, pag-uwi ko, I took time (to) make pagpag muna before I go home.”

Dagdag ni Matteo, “Kasi siyempre, you dive into this character and these elements, our PD (production designer) is Erickson and Erickson did an amazing job producing these weapons, these costumes. And the set, ‘no, we had a lot of anting-anting sa set. And all these anting-antings I was playing with it ganu’n then sabi ni Kuya Erickson, ‘Matt, dahan-dahan ka lang, kasi meron tayong mga anting-anting at mga agimat na totoo.’ So, siyempre, natakot din ako. But at the end of the day, you know, it’s really the belief, the faith, how you treat every material, everything because mga sundalo rin, naghahawak ng anting-anting and believe it or not, hindi sila natatamaan ng bala. So bago ako umuuwi, nagpapagpag talaga ako.”

Understandably, walang planong umalis ng Maynila si Matteo at ang misis niyang si Sarah Geronimo sa Pasko dahil first MMFF entry niya ang Penduko. Ayon sa kanya, sasabay silang manood nito sa sinehan sa opening day, Dec. 25.

“First time ko ring magpa-Parade (of Stars) so I’m very excited. Dati nakikita ko lang sa TV, sa Instagram at sa Facebook, ngayon kami na (ang) magtatapon ng mga T-shirt du’n sa taas,” sey pa ni Matteo.

Kasama niya sa cast sina John Arcilla, Albert Martinez, Kylie Versoza, JC Tiuseco, Zombie, atbp.

AUTHOR PROFILE