Janno

Ugaling Sanggano, inamin ni Janno

December 9, 2021 Vinia Vivar 253 views

Aminado si Janno Gibs na may pagka-sanggano rin siya tulad nga ng titulo ng pelikula nila nina Andrew E at Dennis Padilla na Sanggano, Sangggo’t Sanggwapo 2: Aussie! Aussie! O Sige!

Hindi na niya binanggit specifically kung anu-ano ang mga insidenteng ‘yun pero ‘yung huli raw ay recently lang.

“Magbasa lang kayo, may inaway ako. Basahin n’yo lang,” ani Janno.

Hindi man banggitin, marahil ang tinutukoy ng singer/comedian ay ‘yung part 2 na naman ng away nila ni Kitkat.

Matatandaang last Feb. ay nagkaroon sila ng away nang magkapikunan sila sa show nila sa Net 25. Pinag-ayos naman din sila ng istasyon at namatay na rin naman ang issue after a while.

Pero a few days ago ay nabuhay na naman ang away nila dahil nagkapikunan na naman sila sa group chat na kinabibilangan nila.

Samantala, ayon naman kay Andrew E., hindi pa siya naging sanggano.

“In three decades of being a movie actor, being a rapper, napatunayan ko na po kasi sa aking sarili na ang akin pong pag-aartista, ang aking pasensiya ay mula dito hanggang buwan.

“So, kahit sinuman, hindi n’yo kayang ubusin ang pasensiya ko po,” sabi ni Andrew.

“My patience is very, very wide and long,” sey pa niya.

Inayunan naman ito ni Janno. Aniya, “Si Andrew is one of the nicest people in show business. Walang bad bone. Ako lang siguro ang pinaka-sanggano sa totoong buhay bukod kay Dennis.”

Anyway, nagbabalik ang tatlong komedyante sa second installment ng Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo na matatandaang unang ipinalabas sa sinehan noong 2019.

Nag-hit ang nasabing movie kaya ginawan ito ng Viva Films ng sequel na mapapanood sa Vivamax simula sa Dec. 31. Ito ay mula sa panulat at direksyon ni Al Tantay.

AUTHOR PROFILE