Francine

Francine pahinga muna sa loveteam nila ni Kyle

December 10, 2021 Aster Amoyo 292 views

AFTER two successful TV drama series, ang “Kadenang Ginto” at “Huwag Kang Mangamba,” pahinga muna ang team-up nina Francine Diaz at Kyle Echarri dahil iba ang makakatambal ng teenstar at vlogger sa kanyang bagong mini-series na gagawin under Dreamscape Entertainment at ipapalabas sa iWant TFC, ang “Bola Bola” na pagsasamahan nila ng BGYO member na si Akira Morishita at ng actor at ex-PBB housemate na si Albie Casino. Ito’y pamamahalaan ni JP Habac na siyang nagdirek ng mga pelikulang “I’m Drunk, I Love You,” “Sakaling Maging Tayo,” “Dito at Doon” at ang BL series na “Gaya ng Pelikula.”

Tulad ng kanyang co-star sa “Kadenang Ginto” at “Huwag Kang Mangamba” na si Andrea Brillantes, isa na ring successful YouTuber si Francine at umabot na sa 1-M ang kanyang present subscribers. Dahil sa kanyang sariling pagsisikap, nakapagpundar na rin siya ng sariling bahay at sasakyan for her family. Hindi ikinakaila ng 17-year-old teenstar na siya ang tumatayong bread winner ng kanyang pamilya – her parents at limang kapatid. Growing up, naranasan ni Francine at ng kanyang pamilya ang hirap at palipat-lipat ng tirahan dahil wala silang pang-upa. Pero ang lahat ng kanilang paghihirap ay natugunan nang pumasok si Francine sa showbiz in 2015 but it was only in 2018 nang gumanda ang takbo ng kanyang career nang gawin niya ang hit afternoon TV series na “Kadenang Ginto” with Andrea Brillantes at kung saan nabuo ang tambalan nila ni Kyle Echarri. Ito’y nasundan ng inspirational hit primetime TV series na “Huwag Kang Mangamba” na kamakailan lamang nagtapos.

On January 27, 2022 ay magi-18 years old na si Francine pero hindi pa rin ito nagsi-share ng kanyang plano para sa kanyang debut dahil nasa gitna pa rin ang lahat ng pandemya.

AngelineAngeline naitawid ang concert sa kabila ng pagbubuntis

ANG actor-comedian, talent manager at successful vlogger na si Ogie Diaz ang unang nagkumpirma sa balitang five months pregnant ngayon ang 32-year-old singer actress na si Angeline Quinto courtesy of her non-showbiz boyfriend years her junior.

Suspetsa ng marami, ang pagbubuntis ni Angeline ang dahilan kung bakit hindi nito tinapos ang huli niyang ginawang TV series, ang “Huwag Kang Mangamba” na kamakailan lang din nagtapos sa ere.

The singer-actress also granted an exclusive interview with King of Talk na si Boy Abunda na ipinalabas kahapon, December 10.

Samantala, sa kabila ng kundisyon ngayon ng singer-actress, naitawid niya ang taping ng kanyang ten-day concert, ang “!0Q” to celebrate her 10th anniversary in the entertainment business at napanood at maapanood pa virtually na nagsimula last October 29 & 30, November 26 & 27 at sa darating na December 25 & 26, January 28 & 29, 2022 at February 18 & 19, 2022, 8 p.m. to 10 p.m. sa KTX.ph, iWant TFC at TFC IPTV.

Ang ten-day concert ay ginanap sa newly-opened and renovated Metropolitan Theater making her the first artist to perform sa nasabing historical and iconic theater matapos itong magsara nang maraming taon at sumailalim na renovation. Ilan sa special guest performers ni Angeline sa kanyang 10-day concert ay sina Regine Velasquez, Vice Ganda, Moira de la Torre, Martin Nievera, Ogie Alcasid, Divas, BuDaKhel at ang kanyang ex-boyfriend na si Erik Santos who remained a good friend hanggang ngayon.

DarrylDirek Darryl walang makatatalo

WALA na sigurong makatatalo pa sa young writer-director na si Darryl Yap sa rami ng pelikulang ginawa sa loob lamang ng isang taon.

Si Direk Darryl ay nagsimulang makilala bilang writer-director nang ipagkatiwala sa kanya ng Viva’s top honcho na si Boss Vic del Rosario ang directorial job ng launching movie ng singer-actress-comedienne na si Kim Molina, ang “Jowable,” isa sa mga surprise hit movies ng taong 2019.

Sa kabila ng pandemya which hit the Philippine cinema and the entertainment business in general, nakagawa ng paraan ang Viva na makahanap ng makapag-create ng ibang outlet ng kanilang mga produced movies sa pamamagitan ng leading Pinoy streaming app ngayon, ang Vivamax at ang naging pambuena mano ay ang “Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar” ni Direk Darryl which was shown on January 29, 2021. At hindi nagkamali si Boss Vic dahil naging instant hit online ang nasabing pelikula at naging sunud-sunod ang mga proyekto ng young director now numbering to 11. Pagkatapos ng “Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar” na tinampukan nina Alma Moreno, Rosanna Roces, Ara Mina at Maui Taylor at kung saan ipinakilala ang sexy star na ngayong si AJ Raval, ito’y magkakasunod na nasundan ng “Tililing,” ang rant serye na “Kung Pwede Lang,” “Gluta,” “Ang Babaeng Walang Pakiramdam,” “Revirginized,” “69 + 1,” “Ang Manananggal na Nahahati ang Puso,” “Sarap Mong Patayin,” “Barumbadings” at “Pornstar 2: Ikalawang PutoK.” The unconventional writer-director have hands now full with new projects intended for 2022 release.

“Hindi ko naman magagawa ang lahat ng ito kung hindi rin dahil sa tiwala sa akin ni Boss Vic at ng Viva,” pahayag ni Direk Darryl..

Si Direk Darryl ay isa ring kilalang social media influencer sa pamamagitan ng kanyang well-followed VinCentiments on his Facebook page.

Bukod kay Direk Darryl, ang iba pang director na sunud-sunod din ang ginagawang proyekto sa Viva include Yam Laranas, Roman Perez, GB Sampedro, Lawrence Fajardo and lately, at ang award-winning director na si Brillante Mendoza na tatlong pelikula kaagad ang ipinagkatiwala.

Mommy ni Derrick ikakasal muli

ANG Kapuso actor na si Derrick Monasterio ang nagbalita na engaged to be married na ang kanyang mom, ang dating beauty-queen at actress actress nung dekada 70 na si Tina Monasterio na nasa Amerika. Pero hindi sinabi ng actor kung Filipino o American ang fiancé nito.

Since of age na sila ng kanyang mga kapatid, masaya umano sila for their mom na muling nakatagpo ng taong mamahalin nito at makakasama sa buhay. She deserves to be happy after all.

Nung kanyang kabataan, si Tina ay sumali sa Miss Teen World Philippines in 1974 at Bb. Pilipinas in 1975.

PiaAng pagtatapat ni Pia

HINDI ikinakaila ng veteran dancer-actress na si Pia Moran na ang dating actor na si Greggy Liwag ang kanyang first love at unang boyfriend sa showbiz. She could have had a baby with him kung hindi siya nagka-miscarriage noon. Pero ang kanilang relasyon ay nauwi sa hiwalayan. Greggy married 1983 Miss Philippines Rosita Capuyon at meron na silang tatlong grown up children na sina Nicole, John at Christopher.

Sina Greggy at Cita ay ikinasal nung 1984 and migrated to the US nung 1989.

Si Pia ay nanatiling single hanggang ngayon. Ang kanyang huling nakarelasyon ay ang yumaong ama ng Concert Queen na si Pops Fernandez, ang actor na si Eddie Fernandez.

Si Pia ang tumayong big sister sa kanyang pitong nakababatang kapatid at siya’y nakapagpatapos ng kanyang youngest brother na isa nang ganap na doctor ngayon.

Although may kani-kanyang pamilya na ang mga kapatid ni Pia, nanatili siyang close sa mga ito at itinuturing niyang mga anak-anakan ang kanyang mga pamangkin dahil hindi siya nagkaroon ng kanyang sariling anak at pamilya.

Tunghayan ang aming exclusive na panayam sa original Miss Body Language dancer na si Pia sa “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel simula sa araw na ito ng Biyernes, December 10 at 12:00 noon. Huwag ding kaligtaang mag-subscribe, like and share at sundan kami sa Instagram at Facebook@asteramoyo at Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE