Drayberks

Drayberks Alerto Kada Kilometro inilunsad

May 22, 2024 Jun I. Legaspi 121 views

INILUNSAD ng Metro Pacific Tollways South (MPT South), isang subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), ang Drayberks Alerto Kada Kilometro road safety campaign, bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng taunang National Road Safety Month sa bansa.

Isinagawa ng MPT South ang launching event nito noong Miyerkules, Mayo 15, sa Tas Trans Corporation sa Las Pinas, kung saan dumalo ang aabot sa 50 bus drivers ng nasabing kumpanya, na kadasalang bumabaybay sa Manila-Cavite Expressway (CAVITEX). Dumalo rin sa naturang event ang mga government partners na Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Toll Regulatory Board (TRB).

Binigyang diin ng Alerto Kada Kilometro campaign ang kahalagaan ng pagiging alerto ng mga nagmamaneho at pagpapanatili ng pokus sa daan upang masigurong ligtas ang bawat biyahe. Upang maihalintulad sa pagmamaneho, ibinida ng MPT South ang buzz-wire game na idinisenyo para subukin ang alerto ng mga manlalaro.

Tulad ng game na ito, isang pagkakamali ay maaaring magresulta sa aksidente o pagkakaroon ng violations sa daan.

Bukod sa mga exciting games, nagsilbi rin bilang wellness day ang naturang event para sa mga drivers. Nakapag-relax ang mga dumalo sa iba’t ibang wellness activities habang natututo ang mga ito ng mga road safety tips mula sa mga eksperto.

Katuwang ang Imus Medical Center, nagtayo ang MPT South ng iba’t ibang wellness booth gaya ng free massage, eye check-ups, at basic check ups. Habang ang mga automotive experts naman mula sa Cavite State University (CVsU) ang nagbigay ng mahahalagang impormasyon patungkol sa BLOWBAGETS, isang vehicle maintenance checklist para masigurong nasamaayos na kalagayan ang sasakyan bago imaneho.

“Upang maging alerto, dapat ay laging mapanuri ang iyong mgamata, dapat ay handa ka sa anumang potensyal na panganib, at dapat ay mabilis kang tumugon sa anumang pagbabago sasitwasyon ng trapiko,” pagbibigay diin ni Raoul Ignacio, President and General Manager ng MPT South,”

“Ito ay kick-off event pa lamang ng Alerto Kada Kilometro road safety campaign na magpapatuloy sa buong taon. Prayoridad ng MPT South ang pagsisiguro sa kaligtasan ng mga motorista saCAVITEX at CALAX. Sa pamamagitan ng mga inisyatibo tuladng Alerto Kada Kilometro, layun naming magtanim ng kulturang mapanuri at responsableng pagmamaneho na nagtataguyodng mas ligtas na mga kalsada para sa lahat,” dagdag ni Ignacio

“Sa ngalan ng aming Executive Director na si Atty. Alvin A. Carullo at ng buong Toll Regulatory Board (TRB), ipinapahayag namin ang aming suporta at pasasalamat sa lahat ng mga organizer at kalahok ng makasaysayang kaganapang ito.

Habang tinatahak natin ang landas patungo sa road safety, alinsunod saUnited Nations Sustainable Development Code, itinalaga ng Presidential Proclamation No. 115-A ang buwan ng Mayo bilangRoad Safety Month. Ang TRB, bilang tagapangasiwa ng lahat ng toll roads, kasama ang mga toll concessionaire at operator, ay nagpapahayag ng aming layunin na mapanatili ang isang ligtas, maaasahan, at maginhawang toll facility, sa pagpapatupad ng mga patakaran at regulasyon sa lahat ng expressway na nasaaming hurisdiksyon,” ani Rechillo S. Baladjay, Technical Staff ng Regulation Division, TRB.

“Binabati ko po ang mga organisasyon sa likod ng programang ito sapagkat napakaganda po ng adbokasiya na ito. Alam naman po natin kung ano ang impact ng road crashes. It may cause injury or death, and impact also on financial, as well as psychological, and even permanent disability. And higit sa lahat po (ito) ay number one cause ng traffic congestion sa kalye. Sana marami pang organisasyon at grupo ang magsagawa ng ganitong klaseng adbokasiya,” ani Usec. Procopio G. Lipana, General Manager, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

“Layunin namin sa pakikipagtulungang ito na makatulong sa pagtaguyod ng safe driving practices at mabawasan ang bilang ng mga aksidente sa kalsada. Ang aming pakikipag-ugnayan ay tututok sa ilang mahahalagang aspeto, kabilang ang edukasyon at kamalayan na magpapaalala sa ating mga driver tungkol samga safe driving habits. Bukod dito, makikipagtulungan kami nang malapit sa mga ahensya ng nagpapatupad ng batas upang mahigpit na ipatupad ang mga batas at regulasyon sa trapiko. Naniniwala kami na sa pamamagitan ng pagtutulungan, makakalikha tayo ng mas ligtas na kapaligiran sa pagmamaneho para sa lahat,” ani John Benedict Santiaguel, General Manager ng Tas Trans Corp.

AUTHOR PROFILE