Arnold

Arnold Clavio naka-recover na matapos magka-hemorrhagic stroke

June 15, 2024 Eugene E. Asis 224 views

Arnold1Arnold2IBINAHAGI ng kilalang TV news anchor na si Arnold Clavio ang nangyari sa kanya kamakailan.

Ayon sa kanya, makaramdam siya ng matinding pamamanhid sa kanang braso at binti at ilan pang bahagi ng katawan noong June 14 pauwi mula sa Eastridge Golf Course kung saan siya madalas na naglalaro ng kanyang paboritong sport.

Bahagi ng kanyang post: “Isang regular na araw. Pauwi na ako galing Eastridge Golf Course. Habang nasa biyahe, nakaramdam ako ng matinding pamamanhid sa kanang braso at binti. Di ko na rin maramdaman ang pag-apak sa pedal ng gas at break.”

Nagmamaneho siya ng sasakyan nang maramdaman niya kaya minabuti niyang huminto sa isang gasolinahan para i-check kung ano ang nangyayari sa sarili. Nakaramdam siya ng matinding takot matapos di makalakad papuntang restroom.

“Kailangan ko na may mahawakan . Agad kong tiningnan ang sarili ko sa salamin kung tabingi ba ang mukha ko o maga ang mata ko . Wala naman kaya balik na ako sa sasakyan . At hindi ito naging madali,” kwento pa ni Arnold.

Pinilit niyang mag-drive muli at nakarating siya sa pinakamalapit na ospital, ang Fatima University Medical Center sa Sumulong Highway sa Antipolo at kaagad siyang pumunta sa emergency room.

“Doon inasikaso ako at after ilang test, lumitaw na ang blood pressure (BP) ko ay nasa 220 / 120 at ang blood sugar ko ay umabot ng 270,” sabi ni Arnold. “Inirekomenda na isailalim ako sa CT scan. Doon nakita na may ‘slight bleeding’ ako sa kaliwang bahagi ng aking utak . At sa oras na ‘yon , ako ay nagkaroon na ng ‘HEMORRHAGIC STROKE!’”

Inirekomenda ng attending doctors na mailipat siya sa mas malaking ospital kaya nagdapadala siya sa St. Luke’s Hospital kung saan inasikaso siya ng brain attack team ng ospital.

Dinala siya sa Acute Stroke Unit ng ospital para mabantayan ang blood pressure at sugar level niya.

Nagpapasalamat si Arnold at naka-recover siya pero sobrang pag-iingat na ang ginagawa ng mahusay na GMA news anchor upang mabantayan ang kanyang kalusugan. Hindi muna napapanood sa kanyang news programs si Arnold habang lubusang nagpapagaling.

AUTHOR PROFILE