Suspek Ang arestadong suspek. Kuha ni JONJON C. REYES

MWP No. 2 timbog sa rape

May 22, 2024 Jonjon Reyes 110 views

WALA ng nagawa ang isang 59-anyos na lalaki nang damputin ito ng mga operatiba ng MPD dahil sa kinakaharap nitong kasong rape na may kasamang sexual assault sa Torres Bugallon Street,Tondo ,Manila ,Martes ng hapon.

Kinilala ni Police Colonel Orlando Mirando Jr, hepe ng Directorate for Investigation Detective Management (DIDM), ng Manila Police District ,ang suspek na si alyas Reynald, residente ng Torres Bugallon, Tondo.

Base sa ulat ni Police Captain Veronica Apresurado, hepe ng Women’s and Children Concern ( WCCS), matapos makipag-koordina sa Manila Fire District ng Bureau of Fire Protection ( BFP) sa pangunguna ni Fire Senior Supt. Christine Doctor-Cula, bandang 4:20 ng hapon,nang arestuhin ang suspek sa nabangit na lugar.

Naaresto ang suspek sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Judge Ma.Theresa Chan Bueno, ng Regional Trial Court Branch 5 ng Manila na may petsang August 16, 2022.

Walang inilaang peyansa para sa suspek sa kanyang kakaharapin na kasong rape.

AUTHOR PROFILE