posas

Suspek sa reckless imprudence huli sa Tondo

June 15, 2024 Jonjon Reyes 145 views

LAGLAG sa kamay ng mga pulis ang lalaki dahil sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide sa Dagupan St. malapit sa Yuseco St. sa Tondo, Maynila kamakalawa.

Nakilala ang suspek na si alyas John John, ayon sa mga pulis.

Batay sa ulat ng Warrant and Intelligence Section ng Manila Police District (MPD), bandang alas-5:40 ng hapon ng i-report ang pagkakadakip sa suspek.

Nasubaybayan ng mga awtoridad ang galaw ng suspek kaya nahuli dahil sa isang mapagkakatiwalaang impormante.

Pwedeng makalaya pansamantala ang suspek kung makapagpipiyansa ng P60,000.

AUTHOR PROFILE