Mendoza Si LTO Chief at Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, habang nagbibigay ng pahayag kaugnay sa pagresolba ng plaka ng mga tricycles sa siyudad. Source: LTO-Central Office

LTO namahagi ng plaka sa mga may hawak ng prangkisa ng trike

May 22, 2024 Jun I. Legaspi 186 views

NAMAHAGI ang LTO ng mga plaka para sa mga may hawak ng prangkisa ng tricycle sa Quezon City.

Nangakong bababa sa antas ng barangay para sa pamamahagi ng mga plaka upang mailapit ang serbisyo ng gobyerno sa mga tao Bilang pagsunod sa tagubilin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na ilapit ang serbisyo ng gobyerno sa mga tao, Ipinamahagi na ng Land Transportation Office (LTO) ang mga plaka para sa lahat ng natitirang may hawak ng prangkisa ng tricycle sa Quezon City.

Sinabi ni LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II na ang ceremonial distribution ng mga plaka para sa Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) Miyerkules, Mayo 22, ay nagmarka rin ng pagtatapos ng backlog problem para sa lahat ng may hawak ng prangkisa ng tricycle sa Quezon City.

Sa pakikipag-ugnayan sa QC local government unit sa pamumuno ni Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto, pinangunahan ni Assec Mendoza ang pamamahagi ng 150 plaka sa mga miyembro ng TODA na ilang taon nang naghihintay ng kanilang mga plaka.

May kabuuang 2,900 plaka ang aktuwal na ginawa ng LTO para ipamahagi at lahat ng mga ito ay nai-turn over sa kani-kanilang mga may hawak ng prangkisa ng tricycle.

“Ito ang unang pagkakataon sa kasaysayan ng LTO na direktang ipinamahagi ang mga plaka sa mga may-ari. At nagpapasalamat kami sa Quezon City government sa pangunguna ni Mayor Belmonte sa pagtulong sa amin sa layuning ito,” ani Assec Mendoza.

Sa pamamahagi ng mga plaka sa mga miyembro ng TODA, sinabi ni Assec Mendoza na wala nang atraso ng mga plaka para sa mga may hawak ng prangkisa ng tricycle sa Quezon City, na nangangahulugan na ang mga walang plaka sa loob ng Lungsod ay ilegal na umaandar.

Sinabi ni Assec Mendoza na patuloy silang makikipag-ugnayan sa gobyerno ng QC sa paghabol sa mga colorum na tricycle, dahil idiniin niya ang pangangailangang protektahan ang mga tricycle operator at driver na sumusunod sa mga regulasyon ng gobyerno sa pagpapatakbo ng pampublikong sasakyan.

Nang maupo si Pangulong Marcos sa pagkapangulo noong Hulyo 2022, mayroong higit sa 12 milyong backlog sa mga plaka ng mga motorsiklo at apat na gulong na sasakyan—nagsimula ang backlog noong 2014 at tumataas ang bilang bawat taon.

Ang pagtugon sa backlog ang pangunahing priyoridad ni Assec Mendoza nang siya ay maging LTO Chief noong Hulyo ng nakaraang taon at sa suporta ni Secretary Bautista, nagsimula ang LTO na gumawa ng isang milyong plato bawat buwan mula noong huling bahagi ng 2023.

Nagresulta ito sa pagtugon ng LTO sa backlog ng mga plaka para sa mga four wheel vehicle sa pagsisimula ng 2024.

Sinabi ni Assec Mendoza na kanilang gagastusin ang pamamahagi ng plaka para sa mga motorsiklo hanggang sa antas ng barangay sa buong bansa sa mga susunod na araw.

AUTHOR PROFILE