Heart

HEART PROUD WIFEY KAY SEN CHIZ

May 21, 2024 Vinia Vivar 128 views

Proud wifey si Heart Evangelista sa pagkakahirang sa kanyang mister na si Sen. Chiz Escudero bilang bagong Senate President.

Sa Instagram ay ibinahagi ng aktres ang mga larawan sa oath-taking ng mister sa Senado noong Lunes, May 20.

Makikita sa mga larawan na nasa tabi ni Sen. Chiz ang kanyang misis habang nanunumpa bilang bagong Senate President kapalit ni Sen. Miguel Zubiri.

“Mr Senate President @escuderochiz. I am so proud of you,” ang maikli pero puno ng pagmamahal na caption ni Heart.

Makikita rin sa IG story ng global fashion icon ang mga video ng oath-taking ni Senate President Chiz.

Dumagsa ang pagbati sa comment section para sa mister ni Heart at pinuri sila ng netizens for supporting each other.

Narito ang ilan sa mga komento:

“Congratulations! Always admiring your mutual support to each other. Power couple goals.”

“This is what a ‘power couple’ means.”

AUTHOR PROFILE