Gary Gary Estrada

Gary at Cheska maganda ang relasyon

May 22, 2024 Aster Amoyo 84 views

KAHIT nagkahiwalay, sinabi ni Gary Estrada na nanatili silang magkaibigan ni Cheska Diaz na ina ng kanyang panganay na anak na si Kiko Estrada.

Sinabi ni Gary na mayroon silang co-parenting setup ni Chesca, with Kiko. Kahit 28 taon na ang lumipas, maayos ang arrangement nila ni Chesca para kay Kiko.

“Magkaibigan kami. Definitely. It ended well,” ayon kay Gary.

Asawa ni Gary ang aktres na si Bernadette Allyson at mayroon silang tatlong anak na babae na sina Garielle Bernice, Garianna Beatrice, at Gianna Bettina.

Kamakailan lang, kabilang si Gary sa mga veteran stars na pumirma ng kontrata sa Sparkle GMA Artist Center.

Gazini single but out of the market

Gazini
Gazini Ganados

OPEN na si 2019 Miss Universe Philippines Gazini Ganados na pag-usapan ang relationship nito with actor Gab Lagman.

Nagsimula ang usap-usapan na may relasyon sila ni Gab sa wedding ng beauty queen na si Samantha Bernardo kay Scott Moore in Cebu.

Pero ayon kay Gazini, single but “out of the market” siya.

“I am currently working on myself right now, and yes, I am single. But I am still out of the market because I just want to focus on myself in exploring my talent, especially in this craft. It is a bigger platform that you really have to focus talaga. So, I am into self-care this year.”

Kabilang si Gazini sa pumirma with Sparkle kasama ang fellow beauty queens na sina Beatrice Gomez, Rein Hillary, and Billie Hakenson.

Si Gab naman ay napapanood sa online series na Sem Break sa Viva One.

Isko Sparkle artist na, magtatanghal sa Amerika

Isko
Isko Moreno

LOOKING forward si Isko Moreno sa kanyang showbiz career bilang isang Sparkle artist.

Kabilang si Yorme sa Signed for Stardom 2024 kasama ang iba pang mga biggest and brightest stars sa GMA Network.

Kuwento ni Isko sa kanyang pagtuntong sa stage, una niyang pinasasalamatan ang Panginoon para sa mga biyayang kanyang natatanggap.

“I am always grateful to God. Without Him, I am nobody, nowhere today. I always believe in that first and foremost.”

Dahil balik showbiz na si Isko pagkatapos niyang pumasok sa pulitika, nais niyang ibuhos ang kanyang oras sa kaniyang career.

“This is a way of reinventing myself in showbiz. My first love na industry that gave me an opportunity to better myself in a particular field and it cannot be denied it catapulted to another career, it helped me. Now that I am full time, I am looking forward for more work, of course.”

Sa kasalukuyan ay napapanood si Isko sa Black Rider. Mapapanood din si Isko sa nalalapit na Sparkle World Tour.

“Kakanta raw kami, US and Canada, more or less. Grateful maraming ginagawa at marami pang gagawin.”

Abangan si Isko “Sparkle Goes to USA” sa August 9 and 10 kasama sina Alden Richards, Rayver Cruz, Julie Anne San Jose, Ai-Ai delas Alas, and Boobay.

AUTHOR PROFILE