Lovi

LOVI MALAKI ANG PANGAKO SA MOVIE WORKERS

May 22, 2024 Jun Nardo 89 views

PATULOY na inaalala ni Lovi Poe ang pagsisimula niya sa showbiz bilang morena at flat-chested actress.

“Hindi ko akalaing may mga taong magtitiwala sa akin kaya naman sobrang blessed ko lalo na’t nandito pa ako,” sabi ni Lovi sa contract renewal niya for SCD beauty and slimming products.

Isa nga ang CEO ng SCD na si Grace Angeles sa mga nagtiwala kay Lovi upang maging brand ambassador dahil nasaksihan niya rin ang dedikasyon at suporta ng aktres sa products ng SCD.

Ang promise ni Lovi kahit may asawa na siya, eh, hindi niya iiwan ang showbiz lalo na’t may interes siyang mag-produce at tulungan ang movie workers natin na makilala ang galing sa ibang bansa.

AUTHOR PROFILE