Kim Chiu at Paulo Avelino

Kim at Paulo nagpapalitan ng regalo

May 22, 2024 Vinia Vivar 133 views

Inamin nina Kim Chiu at Paulo Avelino na mas close na sila ngayon at nasa puntong nagbibigayan na ng regalo sa isa’t isa.

“Siguro mga maliliit lang na bagay,” sey ng aktor sa isang recent media interview.

“Oo binigyan niya ako ng gifts,” sey naman ni Kim.

Kwento pa ng aktres, “May notebook kasi ako na sinusulatan ko ng emotional journey ng character ko, tapos pinupuno ko siya ta’s saka ko siya papalitan.”

Nakita umano ni Paulo na puno na ang kanyang notebook kaya sinabihan siya nito na bibilhan siya ng bago.

“Nakita niya ‘yung notebook ko, gamit ko pa ‘yun nu’ng Fit Check, Linlang, tapos umabot pa ng Secretary Kim, eh, puno na siya. Sabi niya, ‘wag ka na bumili ng notebook, ako na bibili ng notebook sa susunod mong notebook.’ So, binigyan niya ako ng apat na notebooks,” tsika ni Kim.

Paliwanag naman ni Paulo, “hindi ko kasi alam kung anong gusto niya. ‘Yung iba may linya, ‘yung iba wala tapos nakita ko ‘yung notebook niya wala palang linya.”

Sagot ng Chinita Princess, hindi pa niya nagagamit ang notebooks na bigay ni Paulo.

Binigyan din ng aktor ang leading lady ng chair para magamit sa taping.

Katwiran ni Paulo, “Kasi sira-sira na rin ang chair niya kasi parang maliit sa kanya, so, sige, bigyan ko nga si Kim.”

As always, kinilig ang KimPau fans sa mga sinabi ng dalawa at komento nga ng isang netizen, “Such a sweet couple, very obvious even if they both don’t admit it in public.”

AUTHOR PROFILE