Pic PAGTULONG – Ang Tingog Partylist na pinamumunuan nina Reps. Yedda Romualdez at Jude Acidre at ang tanggapan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ay nagbigay ng food packs sa mga nasunugan.

TINGOG PARTYLIST, SPEAKER’S OFFICE SANIB-PWERSA

May 22, 2024 People's Tonight 134 views

Pic1Sa pagtulong sa 322 pamilyang biktima ng sunog sa Parañaque

NAGSANIB-puwersa ang Tingog Partylist na pinamumunuan nina Representatives Yedda Romualdez at Jude Acidre at ang tanggapan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez upang makapaghatid ng tulong sa mga nasunugan sa Barangay Sto. Niño, Parañaque City.

Ang inisyatibang ito ay pagpapakita umano ng pagtupad ng Tingog at ni Speaker Romualdez sa pangakong tutulungan ang mga Pilipinong nahihirapan.

“In these challenging times, it is crucial that we come together to support our brothers and sisters in Brgy. Sto Niño. Our collective action today signifies our solidarity and commitment to helping our community recover,” sabi ni Rep. Yedda Romualdez.

Iginiit naman ni Rep. Acidre ang kahalagahan ng pagtulong.

“These food packs represent a beacon of hope for those affected. It’s our duty to ensure that no one is left behind as we work towards recovery and rebuilding,” ani Rep. Acidre.

Naging mahalaga ang binigay na suporta ng tanggapan ni Speaker Romualdez upang agad na maihatid ang tulong.

“It’s through working together like this that we can extend our reach and impact more lives positively,” sabi ni Speaker Romualdez.

Nagpasalamat naman sa kanila ang mga nakatanggap ng tulong.

Nakatuwang din sa paghahatid ng tulong sina Parañaque 1st District Rep. Edwin Olivarez at Barangay Captain Johny Co.

AUTHOR PROFILE