Nora

Ate Guy ’di pinayagan ng doktor na pumunta sa Cannes

May 22, 2024 Jun Nardo 77 views

PINAYUHAN ng doctor si Nora Aunor, superstar and National Artist, na mahaba ang biyahe patungong Cannes kaya huwag nang pumunta sa prestigious international film festival.

Natanggap ni Ate Guy ang invitation bago ang kanyang birthday last May 21. Ipalalabas sa Cannes Classic ang restored version ng pelikulang Bona na kanyang pinagbidahan at prinodyus ilang dekada na ang nakararaan.

Gayunpaman, nagpapasalamat ang Superstar sa mga tao at ahensiyang nagbigay ng interest na papuntahin siya sa Cannes.

Pero ‘yun na nga, hindi siya nakapunta.

Nagpasalamat naman si Nora sa mainit na pagtanggap sa Bona sa Cannes pati na sa nakasama niyang si Phillip Salvador at yumaong director na si Lino Brocka.

Wish ni Nora na mapanood din ng mga kabataan ang pelikula niyang ito at hinikayat ang gumagawa ng local movies na lumikha pa ng pelikulang hindi lang takilya ang target kundi ang tumuklas ng bagong talents at mga kuwentong magugustuhan ng manonood.

Samantala, isang simpleng selebrasyon ang nangyari sa kaarawan ni Ate Guy kasama ang mga mahal sa buhay.

AUTHOR PROFILE