Ivana

Ivana, kinabog sina Alex, Toni at Vice

December 9, 2021 Vinia Vivar 254 views

Si Ivana Alawi pa rin ang no. 1 YouTube Content Creator in the Philippines ngayong 2021 base sa inilabas na listahan ng nasabing popular video-sharing site.

Kinabog niya sina Alex Gonzaga na nasa no. 3, Toni Gonzaga in no. 4 at Vice Ganda in no. 6.

Ang kapatid ni Ivana na si Hash na nag-start lang mag-vlog this year ay pasok din sa Top 10 (9th) habang nanguna naman ito sa listahan ng Top Breakout Creators.

Bukod dito, ang vlog ni Ivana na “Naprank si Mama Alawi” kung saan ay sinorpresa niya ang kanyang ina ng isang brand new car ay kasama rin sa listahan ng top 10 trending videos this year with over 10 million views.

Matatandaang last year ay si Ivana rin ang nanguna sa listahan ng YouTube’s Top Creators. She started vlogging in 2019 at halos lahat ng videos niya ay umaani ng milyun-milyong views.

Sa ngayon ay may 14.4 million subscribers si Ivana and counting.

Samantala, nakasama rin sa listahan ng Top 10 Breakout Creators sina Wilbert Tolentino, Andrea Brillantes, AJ Raval, Herlene Hipon, Bonoy and Pinty Gonzaga at Luis Manzano.

AUTHOR PROFILE