Palitan

Jela at Cara, palaban sa hubaran at lampungan

December 9, 2021 Vinia Vivar 681 views

Kung sa pelikulang Palitan ay nakipagpalitan ng dyowa ang isa sa mga bidang si Cara Gonzales, in real life ay hinding-hindi raw niya ito kayang gawin.

“Sa ibang tao, okay. Pero may iba’t iba naman tayong personalidad at opinion. So, in my opinion, para sa akin, hindi ko kayang makipagpalit (ng dyowa) sa isang tao. Kasi, sa relationship, ’pag nagkakaroon ako ng relasyon, loyal ako, eh,” ani Cara sa interview with the press last Tuesday night.

Kahit malayo raw ang karakter niya sa Palitan sa totoong personalidad, talaga pinilit niyang maging makatotohanan ang kanyang pagganap.

“Kasi gusto kong mapakita sa ibang tao na isa ‘to sa mga nangyayari sa mundo,” sey ng palabang sexy star.

Sa movie ay may love scenes si Cara kina Jela Cuenca at Luis Hontiveros kaya natanong siya kung kanino siya nag-enjoy sa dalawa.

“Both,” sey niya. “Kasi maayos sila katrabaho, eh. At ginawa nila ‘yun professionally.”

In real life ay hindi raw niya masabi kung kaya niya ring pumatol or ma-in-love sa kapwa babae.

“So, para sa akin, wala akong alam, go with the flow lang ako. Kung sino mamahalin ko, sino ’yung magiging mahal ko,” sey niya.

Ang Palitan ay isang GL (girl’s love) movie mula sa direksyon ni Brillante Mendoza.

Napanood na namin ang pelikula at talaga namang nakaka-shock ang mga love scene nina Cara at Jela.

In fairness sa dalawa, ibang klase rin ang katapangan nila dahil kinaya talaga nilang gawin ang maseselan nilang eksena together.

Tiyak na mabubusog ang mata ng mga kalalakihan sa dalawang hottest sexy stars ng Viva dahil walang takot talaga silang naghubad.

At siyempre, hindi rin naman nagpahuli ang leading men nilang sina Luis at Rash Flores na may foursome scene pa nga.

Kaya naman siguradong sulit na sulit ang mga manonood ng Palitan na available na for streaming sa Vivamax ngayong Dec. 10.

AUTHOR PROFILE