AJ

Retokadang boobs, ipapaayos ni AJ sa 2022

December 9, 2021 Ian F. Fariñas 415 views

HINDI pala aware si AJ Raval na isa siya sa biggest social media influencers ngayon. Na halos lahat ng i-post at sabihin niya online ay nagiging viral o trending.

Sa virtual mediacon para sa upcoming Vivamax movie nila ni Wilbert Ross na Crush Kong Curly, sinabi ni AJ na nagde-detox pa rin siya sa socmed matapos ang kontrobersiyang kinasangkutan kung saan nakatanggap daw siya ng death threats at todong galit ng netizens.

Kwento pa ng sexy star, nagkaroon siya ng mental breakdown dahil dito’t naging sobrang toxic ang socmed sa kanya kaya bumitaw muna siya rito.

Kung may nakikita o nababasa man sa accounts niya, gawa lang ng admin iyon.

Ganunpaman, “grateful” at “thankful” daw si AJ na mapabilang sa listahan ng major influencers.

Napatawad na raw niya ang lahat ng nambash sa kanya, lalo pa nga’t magpa-Pasko at mas gusto na lang niyang mag-focus sa positivity kesa magpaapekto sa mga ito.

Nilibang ni AJ ang sarili sa mas mabuting mga bagay tulad ng paglipat sa bagong bahay at pagbili ng bagong sasakyan.

“Mahirap mabuhay nang may galit ka sa puso. Hindi ko naman talaga sila kalaban. Ang kalaban ko lang po kung pa’no ako mag-isip,” katwiran niya.

Sa 2022, balak naman ni AJ na ipatanggal ang retokeng ginawa sa kanyang boobs.

Aniya, naku-conscious na siya sa laki ng dibdib kaya plano niya talagang ipatanggal na ito sa susunod na taon.

Sakaling matuloy ang plano, hirit niya, “Naku, maba- bash na naman ako nito!” sabay tawa.

Anyway, mapapanood na via streaming sa Vivamax ang Crush Kong Curly na dinirek ni GB Sampedro sa December 17.

AUTHOR PROFILE