Lolit

Lolit tutol sa relasyong LT-Lito

May 17, 2024 Vinia Vivar 210 views

Nag-react ang manager ni Lorna Tolentino na si Lolit Solis sa tsikang may relasyon na diumano ang aktres at si Sen. Lito Lapid sa totoong buhay.

Magkasama kasi ngayon sina LT at Sen. Lito sa FPJ’s Batang Quiapo at sinasabing dito nga sila nagsimulang ma-develop sa isa’t isa.

Bukod dito, ang dami ring followers ng PriManda tandem na kuha mula sa pangalan ng mga karakter nilang Primo at Amanda.

Sa Instagram post ni ‘Nay Lolit nitong Biyernes ay nagbiro siya na baka ang feeling ni Sen. Lito ay kaya nitong palitan sa buhay ni LT ang namayapang asawa ng aktres na si Rudy Fernandez.

“Talagang feeling ni Lito Lapid pagkatapos niya magkaruon ng anak sa isa kong alaga, puwede naman niyang palitan si Rudy Fernandez sa puso ni Lorna. Bongga ha,” sey ni ‘Nay Lolit.

Aminado siya na malakas pa rin ang appeal ni Sen. Lito hanggang ngayon at si LT naman ay matagal na ring byuda pero ‘wag daw munang bigyan ng malisya ang mga kaganapan.

“Tanggap ko na hangga ngayon malakas parin ang charisma ni Lito Lapid, at siguro naman after so many years na widow si Lorna baka nga kailangan na niya ang bagong magpapatibok sa kanyang puso.

“Pero huwag muna tayo mag jump sa conclusion. Huwag muna natin bigyan malisya ang mga nagaganap sa paligid. Masyado pang maaga,” aniya.

Para kay ‘Nay Lolit, mas okay kung mag-travel na lang si LT o ‘di kaya ay mag-focus sa business kesa makipag-relasyon.

“Mas maganda siguro sa ngayon mag travel na lang muna nang mag travel si Lorna Tolentino. Harapin na lang muna niya ang business nila ni Sylvia Sanchez. Makapaghihintay ang isang relasyon para mas makita pa kung talaga bang magiging matatag ito. Baka spur of the moment kilig iyan, at later ma discover mo na sandali lang pala,

“Waiting and patience is a good virtue. Mas bongga maghintay para mas maganda ang resulta,” sey ni ‘Nay Lolit na tila pinapaalalahanan si LT.

AUTHOR PROFILE