Jeep Ang mga miyembro ng Alpha Phi Omega Fraternity sa UP Manila ay nagsagawa ng Oblation Run sa Kolehiyo ng Sining at Agham, Unibersidad ng Pilipinas ng Maynila upang hilingin ang mahusay na transportasyon sa lungsod at komunidad. Kinikilala ng Alpha Phi Omega – Iota Eta Chapter ang mga hamon na dulot ng nagbabantang krisis sa transportasyon na dala ng jeepney phaseout, mabigat na trapiko, mataas na halaga ng langis, at limitadong mga opsyon sa pampublikong sasakyan. Sa Oblation Run ngayong taon, magtataguyod ang mga kapatid ng Alpha Phi Omega para sa inclusive na transportasyon para sa masa. Kuha ni JONJON C. REYES

Alternatibong suporta ng gobyerno sa mga jeep driver, operator hiniling

May 17, 2024 PS Jun M. Sarmiento 152 views

NANAWAGAN si Sen. Grace Poe sa mga sangay ng gobyerno na bigyan ng alternatibong solusyon ang kasalukuyan pinagdadaanan ng mga jeepney driver at mga operator nito sa gitna nang programang ng pamahalaan na Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) rollout.

Ayon kay Poe, mahalagang gumalaw ng husto ang mga tamang ahensiya ng pamahalaan upang masolusyunan ang kinakaharap na mga pagsubok ng mga ito upang mabalanse naman aniya ang kapakanan ng ating maliliit na kababayan at gitna ng panawagan na modernisasyon.

Mismong ang Pangulong Marcos Jr., ang nagsabing sisiguruhin ng pamahalaan sa ilalim ng kanyang administrasyon ang pag alalay na gagawin sa mga tatamaan ng nasabing programa lalot ito ay maka aapekto hindi lamang sa mga driver at operator kundi gayundin sa kapakanan ng mga commuter na siyang direktang tatamaan ng nasabing programa.

“The trainings and employment opportunities being touted should be available, accessible and flexible, especially to our older drivers. Hindi lang libo-libong jeepney ang nakatambay ngayon sa mga garahe at kalsada, pati na ang mga driver nila na tiyak naghahagilap na ng mapagkakakitaan para may maipakain sa pamilya.” ani Poe.

Sinabi rin ni Poe na nararapat lamang sabayan ng mga programang pang suporta sa mga ito ang gagawin ng pamahalaan upang hindi matengga ang mga ito na magiging sanhi ng kanilang kawalan ng pagkakakitaan sa gitna ng pagsisikap natin maging matagumpay ang PUVMP.

“We also call on the LTFRB to address the commuters’ complaints about the lack of PUVs in a number of routes since the threat of apprehension on the unconsolidated jeepneys started.” giit ng senadora.

Gayunman, ipinaliwanag din ng senadora na sadyang naiintindihan naman aniya ng marami ang dahilan kung bakit siniseryoso ng pamahalaan ang nasabing programa dahil sa magandang adhikain para sa nakararami ngunit giniit din niya na dapat maging makatotohanan tayo na kailangan ng mga tatamaan nito ang tulong, pang unawa at suporta na pwedeng ibigay sa kanila.

“With the unconsolidated jeepneys in 313 routes in Metro Manila, by no stretch of imagination can we say that we have sufficient PUVs on the road for our commuters.” ani Poe.