Kris Bernal

Mga sakripisyo inisa-isa ni Kris

May 17, 2024 Vinia Vivar 90 views

Sa pagdiriwang ng ika-35 na kaarawan ni Kris Bernal ngayong araw, May 17, isang makabuluhang birthday message ang kanyang ibinahagi.

In her Instagram post, ipinahayag ng aktres kung gaano kasaya ang buhay niya ngayong isa na siyang ina. Inisa-isa rin niya ang mga bagay na ipinagpalit niya noong dalaga siya sa buhay niya ngayong isa na siyang wife and mom.

“35. Working on 3 things right now: myself, my baby, and my peace.

“This… Because this can equal a more peaceful life! I’m in a season of finding myself and new beginnings. Choosing me and my family first and picking my battles. I’m in my ‘mom’ era. That means mom life is my first priority.

“That means I’ve traded in my old life for my new one. Late nights out for scrolling mom posts in bed. From pouring a glass of wine to pouring into my baby. Rocking tight jeans to joggers because that’s all that fits me right now. Quiet nights for sleepless nights. Fine dining for finger foods,” pahayag ni Kris.

At sa lahat ng kanyang mga sakripisyong ito ay walang reklamo ang aktres at sa halip ay ini-embrace niya ito nang buong-buo.

“And, I’m owning it. I’m lovin’ it. Because these days won’t last forever and I’ve prayed so hard to be where I am now.” aniya.

Sinabi rin ng celebrity mom kung ano ang nagawa ng motherhood sa kanyang buhay.

“Motherhood has given me more than it has ever taken away. I thought things would slowly go back to normal but everything changed. My priorities, my worries, my interests, my boundaries.

“Motherhood has given me a purpose to leave behind the things that were no longer meant for me and that I gratefully outgrew,” pahayag niya.

At 35, ayon pa sa aktres, she couldn’t be happier.

“35, in my mom era, mothering so hard, and couldn’t be happier,” pagtatapos ni Kris.

Sa kanyang Instagram Story naman ay nag-post pa siya ng reel at makikita rito na kahit birthday niya ay gising pa siya at 4 a.m. at pinapatulog ang anak nila ni Perry Choi na si Hailee Lucca.

AUTHOR PROFILE