BBM1

PBBM sa mga sundalo: Mga hamon, disinfo dapat labanan

May 17, 2024 Chona Yu 150 views

INATASAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga sundalo na maging handa sa nagbabagong hamon sa lipunan lalong-lalo na ang mga disinformation at false narratives.

Sa kanyang speech sa mga sundalo ng 4th Infantry Division sa Camp Edilberto Evangelista sa Cagayan de Oro City, sinabi niya na dapat na labanan na rin ang mga disinformation at false narratives.

Panawagan ni Pangulong Marcos sa mga sundalo, aralin ang mga bagong kaalaman sa bagong uri ng warfare, partikular na sa digital space.

“Times are changing and we are facing new threats now to our nation’s security.

The battlefield is changing, it will go beyond traditional warfighting as we have known it,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“I call on you to develop the skills that are going to be required to combat these new forms of warfare, including those that extend up to the digital realm,” dagdag ng Pangulo.

Ayon sa Pangulo, dapat na labanan na rin ang digital operation na naglalayong maghasik ng gulo at hatiin ang mga Filipino.

Palihim na papasukin ng mga kalaban ang mga komunidad at mga institusyon na pinoprotektahan ng mga sundalo, ayon kay Pangulong Marcos.

“The intensifying geopolitical tension in the Indo-Pacific resulted in hostile efforts by or with the substantial support of a foreign government to influence the domestic narrative and discourse,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Bilin ni Pangulong Marcos sa mga sundalo, ipagpatuloy ang momentum sa mga operasyon hangga’t nalilinis ang isang komunidad sa impluwensya ng mga terorista.

AUTHOR PROFILE