Marian

Marian at women power line-up ng Miss U selection committee, ipinakilala

December 9, 2021 Ian F. Fariñas 244 views

SUMABAK na nga sa preliminary activities ng 70th Miss Universe pageant ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera na kasalukuyang nasa Eilat, Israel bilang miyembro ng screening committee ng prestihiyosong beauty contest.

Sa unang event na pinuntahan ni Marian, isang flowing white attire ang suot niya na gawa ng Sydney, Australia-based designer na si Shona Joy.

Tinernuhan niya ito ng glittery silver heeled sandals mula naman sa Amina Guaddi ng Italy.

Napaka-elegante ng total look ng aktres sa maikling video grab ng management team niyang Triple A (o All Access to Artists, Inc.) dahil maging ang hairstyle na gawa ni Vien Nueva, pang-Miss U talaga ang dating.

Pormal na ring inilabas ng Miss U organization sa kanilang Instagram page ang mga pangalan na bubuo sa selection committee ngayong taon.

Siyempre, isa nga roon si Marian kasama ang women power line-up nina Brazilian model Adriana Lima, Indian actress/model Urvashi Rautela, Lori Harvey (anak ng regular Miss U host at Hollywood actor na si Steve Harvey), French model na si Iris Mittenaere, Puerto Rican actress Adamari Lopez, American actress Rena Sofer, Miss USA 2019 Cheslie Kryst at si Rina Mor-Goder, isang Israeli lawyer/writer at Miss Universe 1976.

Anyway, maliban sa mister na si Dingdong Dantes, kasama rin ni Marian na bumiyahe pa-Eilat ang stylist niyang si Melville Sy at make-up artist na si Steven Doloso.

AUTHOR PROFILE