Default Thumbnail

Suspek sa panggagahasa huli sa Sto. Tomas

May 18, 2024 Jojo C. Magsombol 73 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Natimbog ng mga pulis ang isang suspek sa panggagahasa sa Brgy. San Miguel, Sto. Tomas City, Batangas noong Huwebes, ayon kay P/Col. Samson Belmonte, provincial police chief.

Bitbit ang warrant of arrest, nagsagawa ng manhunt ang mga tauhan ng Tanauan police para mahuli ang suspek.

Naaresto ang suspek dahil sa arrest warrant na inisyu ni Judge Marjorie Uyengco-Nolasco, Presiding Judge, Regional Trial Court Branch 83 ng Tanauan City, Batangas.

Aabot sa 25 counts ng rape ang haharapin ng suspek.

AUTHOR PROFILE