Tiktok1

TIKTOK STAR OF THE DAY

March 14, 2024 People's Tonight 151 views

TiktokTiktok2Tiktok3Tiktok4Tiktok5KAYANG-KAYA niya makipagsabayan sa bigating stars pagdating sa pelikula dahil ang husay niya sa pag-arte ay hindi nadadala ng kanyang mukha kundi ng kanyang talento.

Sa mata niyang nangungusap, posibleng hindi ka ma-hook dahil totoo itong nang-aakit at mapangahas. Ngunit higit dyan ay puno ng talento sa larangan ng entertainment ang social media star na ito. Siya ay walang iba kundi si Rhen Escaño.

Sa kanyang TikTok, ipinapasilip ni Rhen ang bahagi ng kanyang buhay sa loob at labas ng screen. Mula sa modeling, dubbing, hanggang iba’t iba pang larangan ay hindi siya maiiwan.

Hindi ito klase pero may assignment kang kilala pa lalo si Rhen. Bisitahin ang kanyang TikTok account, ang nag-iisang @realrhenescano.

AUTHOR PROFILE