Chiz2

SP Chiz: Malakanyang, Kongreso dapat magtulungan para sa taumbayan

May 27, 2024 PS Jun M. Sarmiento 95 views

SINANG-AYUNAN ni Senate President Francis Chiz Escudero na dapat magtulungan ang Malakanyang at Kongreso para maipasa ang mga importanteng panukalang batas para sa kapakanan ng taumbayan.

Sa panayam sa ANC, sinabi ni Escudero na hindi siya intresado sa isyu na diumano’y nagtatag na ng tinatawag na “Solid 7” sa Senado sa pamumuno ni dating Senate President Juan Miguel Zubiri.

Kinabibilangan nina Sens. Joel Villanueva, Juan Edgardo Angara, Nancy Binay, JV Ejercito, Loren Legarda at Sherwin Gatchalian ang “Solid 7.”

Ayon sa kanya, pwedeng panggalingan ng pagkakabiyak-biyak ng mga senador ang grupo na ito.

“As far as I am concerned, there is no such thing as grupo-grupo or kami-kami. We in the Senate are (just) one body who must act as one for the welfare of the Filipino people,” paliwanag ni Escudero.

Ipinaliwanag din niya na wala siyang nakikitang dahilan upang hindi magkaisa ang mga senador dahil ang taumbayan aniya ang nagluklok sa kanila.

Inamin ni Escudero na siya man nasorpresa sa Solid 7 ni Zubiri ngunit naniniwala siyang lahat sila para sa kapakanan ng taumbayan.

Gayunman, sinabi ni Escudero na nuong binoto nila sa nagdaan panahon si Zubiri bilang Pangulo ng Senado bumoto silang 23 ng naayon sa kanilang sinumpaan sa bayan para sa kapakanan ng mga Pilipino at hindi para sa grupo-grupong pamamaraan.

Ayon sa ulat, napapabalita ang posibilidad na lalahok na ang grupo ni Zubiri sa minorya na kinabibilangan naman nina Senate Minority leader Aquilino Pimentel III at Deputy Minority Leader Sen. Risa Hontiveros.

Nang tanungin kung maisasakatuparan ang mga prioridad na batas ng Pangulong Marcos Jr., sinabi ni Escudero na seryoso ang Senado na bigyan ito ng pansin.