BBM

PBBM sa mga Pinoy: Maging matapang

June 17, 2024 Chona Yu 99 views

NAKIISA si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos sa Filipino Muslims community sa paggunita sa Eid’l Adha o Feast of Sacrifice.

Ayon sa Pangulo, dapat na maging matapang ang mga Filipino kahit na nakasasalay ang comfort at security.

Ayon sa Pangulo, dapat na isabuhay ang wisdom at fortitude sa gitna ng mga hamon.

”I earnestly pray that we may also have what it takes to be courageous even at the expense of our comfort and security,” pahayag ni Pangulong Marcos.

”Indeed, in treading the noble yet arduous path of righteousness, we will find a greater sense of purpose in uplifting the lives of others and enriching the facets that make our dreams and endeavors meaningful,” dagdag ng Pangulo.

Ayon sa Pangulo, dapat na gamitin ang araw na ito para magnilay na may magandang bunga ang pagpapalaya sa isang tao o bagay kahit na mahalaga ito.

“As we understand the significance of this commemoration, we feel deep within ourselves that, in nurturing our relationship with others and the Almighty, we are strengthened by our past and fueled with lessons to face tomorrow with grit and resilience,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Panawagan pa ng Pangulo sa publiko, patuloy na maging ehemplo ng mga mabuting gawa.

Maging si First Lady Louise ”Liza” Araneta-Marcos ay nakiisa rin sa paggunita sa Eid’l Adha.

”Eid’l Adha seeks to instill in everyone a sense of service and the corresponding sacrifices it entails towards a firmer faith, a stronger relationship with family and a united community,” pahayag ni First Lady Marcos.

AUTHOR PROFILE