Stell

Stell sa pagpaparetoke: Kung may pera, bakit ’di mo gagawin?

June 17, 2024 Jun Nardo 159 views

GUSTONG umakting ni Stell ng SB19 lalo na sa horror projects.

“Gusto ko ma-experience ’yung tumakbo!” sabi ni Stell kay Jessica Soho sa exclusive interview niya sa Kapuso Mo, Jessica Soho na inilabas last Sunday.

Ipi-picth in daw si Stell ni Jessica sa KMJS Gabi ng Lagim movie.

Humanga si Jessica sa husay kumanta ni Stell nang mapanood ang guesting niya sa concert ni Ryan Cayabyab.

Nalaman din ng manonood ang humble beginnings ni Stell na panganay sa magkakapatid kaya malaking tulong sa pamilya ang pagiging bahagi ng famous Pinoy all-male P-pop group.

Natanong din ni Jessica si Stell pagdating sa enhancement. Malaki kasi ang pagbabago lalo na sa mukha at kutis ni Stell na ipinakita sa kanya.

Hindi man niya ito diretsong sinagot, sinabi naman niya na sa panahon ngayon, halos lahat ay may enhancement.

“Eh, kung may pera, bakit hindi mo ito gagawin?” tanong ni Stell.

Naku, 2024 na! Hindi na bago ang magparetoke sa mukha at magpaputi at magpakinis ng balat, huh!

WISH NI SYLVIA TINUPAD NI RIA

IBINALANDRA na ni Ria Atayde ang baby bump niya nu’ng Father’s Day.

Kumpirmadong buntis siya kay Zanjoe Marudo.

Napansin na ng netizens ang baby bump niya nang ikasal sila ni Zanjoe. Pero walang pag-amin na nangyari.

Sa isang banda, may mga pahayag ang mother ni Ria na si Sylvia Sanchez na gusto na niyang magkaapo.

So, heto na nga ang kumpirmasyon ni Ria. Hindi na kailangang mag-wish pa ni Sylvia.

At least, kasal na sina Ria at Zanjoe, huh!

AUTHOR PROFILE